Sunday , December 22 2024
Katips

Vince Tañada nanghinayang sa ‘di pagkasali ng Katips Musical sa MMFF

HARD TALK
ni Pilar Mateo

HINDI napili para makapasok sa Magic 8 ng Metro Manila Film Festival 2021 ang isa pang musical film na hango sa theatrical play na ipinalabas sa entablado noong 2016.

Ito ang isa sa proyekto ng Philippine Stagers Foundation ni Vince Tañada na dating abogado.

Isinalin ito ni Vince sa pelikula, hindi rin para gawin itong political material ng mga tatakbo sa politika para labanan ang kung sino.

Ang gusto lang ni Vince ay may maiwang totoo at tamang istorya sa kabataan na hindi nasaksihan ang ilang pahina ng lumipas. Sa panahon ng Martial Law. At sa mga naging kaganapan sa taong sinakupan nito.

“Our goal in ‘Katips Movie’ is to educate. And to utilize this side of art para marami rin ang mabuksan ang isipan sa mga pangyayari noon. Matatanda na at may edad na ang mga nakausap naming biktima ng Martial Law. At consistent sila sa kuwento ng mga karanasan nila. ‘Yun lang. Nagkuwento kami ng isang salamin ng buhay.”

Masaya sa nasaksihan nila ang nakapanood ng premiere ng musical na nagsiganap ang ‘di na matatawaran sa acting na sina Mon Confiado, Nicole Laurel Asensio, at si Vince. At isang revelation dito si Jerome Ponce. Ensemble acting ng mga kasamahan ni Vince sa Teatro with Lou Veloso, Dexter Doria, Adelle Ibarrientos, Carla Lim, Patricia Ismael, Dindo Arroyo, Afi Africa, Joshua Bulot, OJ Arci, Johnrey Rivas, Vean Olmedo, Ricky Brioso, Liam Tanare, Bernard Kaxa, Nelson Mendoza, JP Lopez, at Sachzna Laparan ang bumuo sa Katips Movie

Nanghihinayang man si Vince at ang PSF na hindi ito nakapasok sa MMFF kahit sinabing nag-number 1 sila sa mga pinagpilian, looking forward si Vince na maipalabas ito sa iba’t ibang festivals abroad. 

Umusok sa sari-saring damdamin ang musikang inilapat ni Pipo Cifra katulong si Vince sa mga kantang inaasahang aabangan sa music platforms sa internet soon.

May adbokasiya si Vince sa pagpapalabas ng istoryang ito here and abroad. 

Kahit may mga samahan na ngang nag-uunahan para magamit ito sa kanilang kampanya, itinanggihang lahat ‘yun ni Vince. Dahil ayaw niya ngang magamit sa political agenda ng mga samahan ito.

Noong ipalabas ang musical, sari-saring paniniwala ang nagkasama-sama sa sinamsihang sanaysay. 

Sabi nga ni Vince, kahit na may vocal sa ipinaglalaban niyang kandidato sa ilang kasama sa cast at production, at the end of the day, mananatili pa rin ang paniniwala ng bawat isa sa gusto nilang piliin sa mga tumatakbo sa May 2022.

Respetuhan pa rin ang mangingibabaw! 

Dalawang kaabang-abang na musicals ‘yan! 

About Pilar Mateo

Check Also

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …