Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dina Bonnevie Covid-19 Vaccine

Dina hinimok ang publiko na magpabakuna

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAY mensahe si Dina Bonnevie sa  mga taong hanggang ngayon ay natatakot magpabakuna.

“Sa akin, ang masasabi ko, COVID is real,” umpisang bulalas ni Dina. ”Hindi enough na magpa-vaccinate ka, ‘yung maging fully vaccinated ka, kasi you can still get contaminated. 

“’Yun lang nga ‘pag nagkasakit ka hindi malala.

“Pero hihintayin mo pa ba ‘yun? Kung halimbawa natatakot ka para sa sarili mo, paano naman ‘yung kapwa mo? 

“Paano naman ‘yung ibang members ng family mo na baka mahawahan mo dahil lang sa paniniwalang… you know, just recently, we lost my cousin-in-law, namatay siya kasi he didn’t believe in vaccination.

“And ‘yun lang,  ayaw niyang magpa-vaccinate, hindi siya naniniwala, so namatay siya, pero nahawahan niya rin ‘yung dalawa niyang anak.

“So sad, ‘di ba? Parang, sayang naman, nasayang lang ‘yung buhay mo, namatay ka dahil lang ayaw mong maniwala sa vaccination?

“For me COVID is real, take it from me. It’s real.

“Pa-vaccinate ka na!”

Matapos ang season break noong August 27 ay muling umeere sa GMA ang The World Between Us bago ang To Have And To Hold sa GMA Telebabad block.

Bukod kina Dina at Jasmine Curtis  tampok din sa The World Between Us sina Alden Richards at Tom Rodriguez at si Ms. Jaclyn Jose. Sa direksiyon ni Dominic Zapata.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …