I-FLEX
ni Jun Nardo
NAG-IIYAKAN ang matatandang babae kay senatoriable Herbert Batista nang umikot siya sa Cebu City at Bohol nitong nakaraang mga araw.
Isinisigaw nila ang, ”Rene Boy! Rene Boy!”
Eh Rene Boy ang pangalan ni Herbert sa lumang soap opera na Flor de Luna bilang kapatid ni Janice de Belen. Sumikat ang soap na ito at naging daan upang makilala si Herbert bilang teen actor.
Sa pag-iikot sa probinsiya, gumawa na rin ang senatoriable ng vlog at soon ay ilo-launch na niya ito.
Sa totoo lang, kahit abala sa pag-iikot sa bansa, fresh at boyish pa rin ang hitsura ni Herbert, huh!