Saturday , November 16 2024

Driver sugatan sa ambush
KANDIDATONG KONSEHAL, 1 PA TODAS

PATAY sa pamamaril ng mga hindi kilalang suspek ang isang kumakandidatong konsehal at ang kanyang kasama sa bayan ng San Simon, lalawigan ng Pampanga, nitong Sabado, 27 Nobyembre.

Kinilala ang mga biktimang sina Rogelio “Jon” Salvador, 42 anyos, kumakandidatong konsehal sa nabanggit na bayan, at kasama niyang si Joel Salvador.

Ayon sa ilang testigo, bumibiyahe ang mga biktima sakay ng sports utility vehicle (SUV) na Chevrolet Trailblazer nang biglang pagbabarilin ang kanilang sasakyan ng mga suspek na lulan ng kasalubong na sasakyan.

Naganap ang insidente sa kahabaan ng San Simon-Baliwag Road sa Brgy. San Miguel habang papuntang Brgy. San Jose ang mga biktima pasado 7:30 am.

Agad namatay ang biktimang si Jon habang binawian ng buhay ang kasama niyang si Joel habang ginagamot sa ospital.

Samantala, sugatan ang isa pang biktimang kinilalang si Arnel Caparas na siyang driver ng sasakyan.

Kaugnay nito, ipinag-utos ni PRO3 Director P/BGen. Matthew Baccay ang masusing imbestigasyon sa kaso para malaman ang motibo sa krimen at kung sino ang nasa likod ng pamamaril. (MICKA BAUTISTA) 

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …