ARESTADO ang limang drug suspects habang nabuwag ang isang hinihinalang drug den ng mga awtoridad sa ikinasang anti-illegal drug operation ng mga awtoridad sa Subic, lalawigan ng Zambales, nitong Biyernes ng tanghali, 26 Nobyembre.
Isinagawa ang drug sting ng mga tauhan ng PDEA Zambales Provincial Office kasama ang Zambales PPO PDEU at ang local police na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek na kinilalang sina Waldo Miranda, alyas Walds, 61 anyos, ng Brgy. Calapacuan, Subic, nagsisilbing drug den maintainer; Michelle Limuran, 38 anyos, Brgy. Matain; Jeffrey Doctolero, 44 anyos, ng Brgy. San Jose, Castillejos; Alvin Villas, 44 anyos, ng Brgy. Barretto, Olongapo; at Ronaldo Miranda, 39 anyos, ng Brgy. Calapacuan, Subic, pawang sa nabanggit na lalawigan.
Nasamsam sa itinuturing na high impact operation ang siyam na selyadong pakete ng hinihinlang shabu na tinatayang may timbang na 17.12 gramo at nagkakahalaga ng P116,416; sari-saring drug paraphernalia; at marked money na ginamit sa operasyon.
Nahaharap ngayon ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na nakatakdang isampa sa korte.
(MICKA BAUTISTA)