ARESTADO ang 24 katao, pawang lumabag sa batas, sa iba’t ibang operasyon na inilatag ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 23 Nobyembre.
Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PNP, 11 sa mga naaresto ay mga drug suspek na kinilalang sina Romulo Arcilla, Jr., ng Brgy. San Roque, San Rafael; Jeffrey De Leon, alyas Epok, Rochelle Villamor, at Paulino Garcia, Jr., pawang mga residente sa Brgy. Tibag, Baliuag; Soliman Marohum Dandan, Ronnel Ebale, at Jerwin Colina, pawang mga residente ng Brgy. Graceville, San Jose del Monte; Miguelito Abaño, alyas Boknoy ng Brgy. Saluysoy, Meycauayan; Alberto Bautista, Jr., alyas “Popoy” ng Brgy. Bayugo, Meycauayan; at Ma. Chanita Luna, alyas Auntie ng lungsod ng Pasay.
Nadakip ang mga suspek ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), Meycauayan CPS, San Rafael MPS, San Jose del Monte CPS, Sta. Maria MPS, at Provincial Intelligence Unit (PIU).
Nakompiska mula sa mga suspek ang 32 pakete ng shabu, pouch/coin purse, at buy bust money na dinala sa Bulacan Provincial Crime Laboratory Office para sa drug test at laboratory examination.
Samantala, timbog ang dalawang suspek sa magkahiwalay na kasong frustrated murder na naganap sa San Jose Del Monte at Sta. Maria na kinilalang sina Claro Raya ng Brgy. Caysio, Sta. Maria; at Manuel Ortiz ng Sapang Palay, San Jose del Monte.
Gayondin, naaresto ang 11 wanted persons sa serye ng manhunt operations na isinagawa ng tracker teams ng Bocaue, Guiguinto, Pandi, Meycauayan, Plaridel, 2nd PMFC, Sta. Maria MPS, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), at Malolos CPS.
Kinilala ang mga suspek na sina Gregorio Francisco, Sr., ng Brgy. San Vicente, Sta. Maria; Norman Pingol ng Brgy. Tabang, Plaridel; Randy Paglabuan ng Brgy. Mapulang Lupa, Pandi, pawang may kasong paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence against Women and Their Children); Emelda Daos ng Brgy. Bulihan, Malolos, sa kasong Estafa; Editha Sunga ng Brgy. Bagong Silang, Plaridel para sa kasong Grave Oral Defamation; Jan Viesca ng Brgy. Pantoc, Meycauayan sa paglabag sa Sec 4(b) ng RA 9775 (Anti-Child Pornography Act of 2009) at paglabag sa Sec 4(d) ng RA 9995 (Anti Photo and Video Voyeurism Act); Mark Calayag ng Brgy. Malis, Guiguinto sa paglabag sa RA 10883 (New Anti-Carnapping Act); Queshamar Guillepa ng Brgy. Narra, San Jose del Monte sa kasong Qualified Theft (5counts); Jason Chew ng Brgy. Taal, Bocaue; at George Martin at Janseen Del Rosario, kapwa mula sa Brgy. Batia, Bocaue, na parehong inaresto sa paglabag sa PD 1865 (Illegal Trading of Petroleum Products). (MICKA BAUTISTA)