Monday , December 23 2024
Tambuyog Development Center Farmed shrimp welfare campaign

Farmed shrimp welfare campaign isinusulong ng NGO

Isinusulong ng Tambuyog Development Center, isang non-government organizatiom, ang kampanya para sa farmed shrimp welfare sa buong bansa na sinimulan kamakailan sa pamamagitan ng online press launch.

Kabilang sa mga naging guest speaker ay si Wilfredo Cruz, regional director ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa Gitnang Luzon, na isa sa pangunahing rehiyon ng bansa na nag-aalaga ng mga hipon.

Pahayag ni Cruz, “Strengthening of the good aquaculture practices, including the welfare of aquaculture species by focusing on the health and environment of farmed shrimp, would result in higher productivity; with safe and quality seafood for everyone.”

Ayon kay Dinna Umengan, executive director ng Tambuyog Development Center, ang aquatic animal health at food safety issue sa aquaculture ay idinadaan sa sertipikasyon at international compliance sa pandaigdigang kalakalan nitong mga nakalipas na taon.

“Aspects of animal welfare have not been adequately subjected to compliance or certification as part of the standards for Good Aquaculture Practices (GAqP),” ani Umengan.

Ipinaliwanag din ni Vince Cinches, International Campaign Manager for Animals in Farming at World Animal Protection na taon-taon ay tinatayang aabot sa 100 bilyong mga aquatic animal ang inaalagaan sa mga palaisdaan at tinatayang aabot sa dalawa hanggang tatlong trilyon nito ang nahuhuli sa mga karagatan at patuloy na tumataas ang bilang.

Dahil dito, makikitang dapat na pagtuunan ng pansin ng mga gobyerno at mga mangangalakal na magkaroon ng mga polisiya at criteria na mag-gagarantiya sa kapakanan ng mga lamang-tubig sa mga palaisdaan.

Napag-alamang sa inilunsad na kampanya na ang mga hipon at iba pang uri ng lamang-tubig ay “sentient” na ibig sabihin ay nakararamdam ng mga sakit at kasiyahan, kaya nangangailan ang mga ito ng mga standards para mapangalagaan ang kanilang mga kapakanan.

Dito papasok ang kampanya ng Tambuyog Development Center sa pakikipagtulungan sa World Animal Protection’s Southeast Asia programme na pinamagatan na “Investing in Others,” para makabuo ng “farm animal welfare” bilang prioridad ng mga gobyerno at ng mga mangangalakal. (Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …