Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
AJ Raval Wilbert Ross

AJ naiyak panghuhusga ‘di na kinakaya

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

TUMANGGING magbigay ng update tungkol sa lovelife niya si AJ Raval sa ginanap na Crush kong Curly virtual mediacon nitong Miyerkoles dahil baka iba na naman ang maging dating sa iba.

Ang sagot niya, “Ayoko magsalita ng kahit ano tungkol sa love life kasi mahirap na. Ang worry ko kasi riyan eh, baka ma-judge lang ako uli.

“Kasi alam naman ng lahat na nito lang ‘di ba? Nagpakatotoo ako pero na-judge pa rin ako, I tried to explain, pero na-bash pa rin ako so, ayoko na lang…”

Inirespeto naman ng press na dumalo ang katwiran ni AJ kaya hindi na siya tinanong pa tungkol dito.

Pero hindi napigilang hindi maiyak sa tanong kung na-judge na ba siya na gusto niyang ipagtanggol ang sarili pero hindi pa rin siya naintintindihan.

May linya kasi sa Crush kong Curly si AJ na na-judge siya ng leading man niyang si Wilbert Ross kaya tinanong kung nangyari na ito sa kanila.

“Na-judge po ako, tingin ko alam ng karamihan dito (dumalo sa virtual mediacon). Hindi ako nagsinungaling nagsabi ako ng totoo pero na-judge pa rin ako,” pakli ng dalaga.

Sumunod ay napaiyak na siya, “nag-try akong mag-explain pero wala pa ring makaintindi (sabay pahid sa mga mata). Ayaw ko na po munang sagutin, nagwo-worry po ako na mag-explain ako tapos mami-misinterpret na naman ako ng ibang tao, thank you.”

Samantala, bumagay ang curly hair kay AJ kaya lagi pala siyang nagpapakulot dahil alam niyang bagay sa kanya.

“Hindi po ako talaga kulot, pinakukulot ko lang,” say ng dalaga.

Sa tanong kung may babaguhin si AJ sa ugali niya lalo’t malapit siya sa mga lalaki.

“Hindi. Wala akong babaguhin. Ito na ako eh. I’m a naturally friendly person. Dito ako masaya, sa pagiging ganito, bakit ko babaguhin?

“I know na mi-misinterpret ako minsan pero I grew up surrounded by boys. Mas sanay ako talaga sa kanila, mas komportable ako. Maraming boys sa family namin eh. So, kung babaguhin ko ang pakikitungo sa kanila, que katrabaho o kaibigan? Hindi.”

Oo nga naman, bakit kailangang baguhin ang nakasanayan na at bahala na ang ibang tao kung ano ang intindindi nila.

Anyway, mapapanood na ang Crush Kong Curly sa Disyembre 17 sa Vivamax mula sa direksiyon ni GB Sampedro produced ng Viva Films.

Kasama rin sa pelikula sina Maui Taylor, Chad Kinis, Loren Mariñas, Andrew Muhlach, Madelaine Red, Sab Aggabao, Gab Lagman, Jao Mapa, at Gina Pareño.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …