Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maricel Soriano, Enchong Dee, Maine Mendoza, Daniel Padilla

Maricel bilib kina Enchong, Maine, Daniel; gustong makatrabaho

MA at PA
ni Rommel Placente

SA latest vlog ni Maricel Soriano,  binanggit niya ang tatlong artista na gusto niyang makatrabaho, na hindi pa niya nakakasama sa pelikula o telebisyon. At ang mga ito ay sina Enchong Dee, Maine Mendoza, at Daniel Padilla.

Sabi ni Maricel tungkol kay Enchong, ”Sinabi ko ito sa kanya, nagkita kasi kami. Sabi ko,’do you know that I watch you? And everytime you cry, you break my heart’. Sabi ko, ‘bata, ang galing mo huh! I want to work with you.’ Everytime, he’s not crying, masasakit na salita (na natatanggap ni Enchong sa mga serye). pinipigil niya  ‘yung iyak niya. Wala! Dugong-durog ang puso ni Inay Mary.”

Sabi naman niya tungkol kay Maine, ”Kasi ang galing niya roon sa mga ginagaya niya. So, imagine-in mo, na nagsasalita ako at nangangaral, nandito siya sa likod ko at sinasabi niya ‘yung sinasabi ko na walang boses. Maganda, ‘di ba? Can you imagine ‘yung monologue ko, alam niya? Tapos hindi siya nagsasalita, cute ‘yun.”

At kung bakit gusto niya ring maka-work si Daniel, ang sabi ng Diamond Star, ”’Yung dating niya sa akin, ‘pag tinititigan ko siya,’Tita Maricel!’ Kasi buo ‘yung pangalan ko. ‘Tita Maricel! Ano Tita Maricel?’  Uulitin niya, iniinis niya ako. Pero noong napanood ko siya sa mga telesrye niya, ang laman! Ibang klase no! Hayop sa hugot.”

O ‘di ba,bongga sina Enchong, Maine, at Daniel dahil gusto silang makatrabaho ng award-winning actress!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …