Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dennis Trillo, Jennylyn Mercado Wedding

Garden wedding nina Dennis at Jen tahimik at pribado

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAS naging tahimik ang pagpapakasal nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, na ginanap sa garden ng studio na ipinatayo at pag-aari ni Kathryn Bernardo. Siguro napili naman nila ang lugar na iyon dahil pribado nga. Roon na rin maaaring gawin ang pagbibihis at make-up ni Jennylyn, at walang magkakaroon ng supetsa makita man silang magpunta roon dahil studio nga iyon.

Isang judge, batay sa suot niyang robe, ang nagkasal sa dalawa na hindi naman pinangalanan ng mga nag-post ng pictures kung sino, at hindi mo rin makilala dahil sa suot na face mask, bagama’t ang mga ikinakasal, sina Dennis at Jennylyn ay walang suot na face mask sa kanilang kasal.

Walang ibang detalyeng lumabas. Hindi rin sinabi kung sino ang tumayong ninong at ninang. Hindi rin sinabi kung naroroon ang anak ni Jen na si Alex Jazz, at ang anak ni Dennis na si Calix. Naging masyado nga iyong pribado, pero ang mahalaga natapos na ang kasal at ngayon nga ay wala na silang iisipin kundi ang paghihintay ng panganganak ni Jennylyn ng kanilang first baby, na due na rin mga ilang buwan pa.

Maraming mga kaibigan nilang celebrities na nagpa-abot na rin sa kanila ng pagbati sa pamamagitan ng social media, kasi nga wala rin naman sila sa pribadong kasal. May nagsasabi naman siguro kung puwede na nga ang gathering, mag­papakasal na muli sina Dennis at Jennylyn na makakasama nila ang kanilang mga kaibigan.

Gusto lang siguro nilang bago isilang ang kanilang first baby, kasal na sila. Pareho na kasi silang may anak out of wedlock sa mga naunang relasyon.

Ngayon talagang nakapahinga na si Jennylyn dahil sa desisyon niyang huwag na munang magtrabaho para ingatan ang kanyang pagbubuntis, inilagay naman on hold ng GMA Network ang ginagawa niyang serye hanggang sa makapanganak siya sa susunod na taon.

Si Dennis naman katatapos lamang isa niyang serye at sinasabing may balak namang mag-iba ng diskarte sa kanyang career at tumanggap na ng mga kontrabida role.

Basta sa ngayon, ang importante kasal na sila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …