Wednesday , December 18 2024
Metro Manila Film Festival, MMFF

5 sa 8 MMFF 2021 entries horror o may pagka-horror

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

IBINUNYAG na sa isang napaka-kontroladong media event sa Novotel sa Cubao, QC, noong Biyernes ng hapon (November 12) ang walong entries sa 2021 Metro Manila Film Festival (MMFF) at kapuna-punang lima sa walong napili ay outright horror movies o may pagka-horror.

Ang walong napili at ang lead stars ng mga ito ay: A Hard Day (Dingdong Dantes, John Arcilla);!Big Night! (Christian Bables); Love at First Stream (Anthony Jennings and Kaori Oinuwa); Whether the Weather is Fine(Kun Maupay Man It Panahon) (Daniel Padilla, Charo Santos-Concio, at Ran Rifol); Nelia (Winwyn Marquez and Raymond Bagatsing); Huwag Kang Lalabas (Jameson Blake, Joaquin Domagoso, Beauty Gonzales, Aiko Melendez, at Kim Chiu); The Exorsis (Toni  Gonzaga and Alex Gonzaga); Huling Ulan sa Tag-Araw (Rita Daniela and Ken Chan).

Sa press release na ipinamahagi noong press conference, ang Huwag Kang Lalabas lang ang naka-classify bilang “horror.” At kaya maraming nakalistang lead stars sa entry na ito ay dahil “trilogy” ito, na ang ibig sabihin ay may tatlong hiwa-hiwalay na kuwento ng katatakutan ang pelikula. 

Binanggit mismo sa press release na pwede sigurong ang Huwag Kang Lalabas ang magiging kumbaga ay “tagapagmana” ng tradisyong nabuo ng Regal Films noon sa MMFF sa seryeng Shake, Rattle & Roll na umabot sa 15 editions mula noong 1989 hanggang 2014. 

Samantala, ang Exorsis naman ay nakakategoryang “comedy horror” na bukod kay Toni ay nagtatampok din sa nakababata n’yang kapatid na si Alex. 

Pero kung mapapanood n’yo ang kanya-kanyang trailers ng bawat entry ngayong 2021, madidiskubre n’yong ang A Hard Day, Big Night, at Nelia, ay may matinding bahid din ng pagiging horror movies. 

“Action thriller” umano ang A Hard Day kahit na minumulto ng isang bangkay ang character na ginagampanan ni Dingdong. 

Ang Big Night ay naka-classify bilang “social drama,” pero ayon sa direktor ng pelikula na si Jun Lana, isang “comedy horror” ang pelikula tungkol ito sa isang beautician na ang pangalan ay misteryosong nakasali sa drug watchlist pero ‘di naman siya drug-user at ‘di rin courier ng droga. Kung ano-anong nakatatakot na mga eksena ng posibleng pagpatay sa kanya ang ini-imagine ng beautician na ginagampanan ni Christian. 

Ang Nelia ay tungkol sa isang nurse na minumulto ng mga pasyente n’yang namatay sa isang kuwarto sa ospital na pinagtatrabahuhan n’ya. 

Ang beteranang aktres na si Boots Anson-Roa Rodrigo ang namuno sa selection committee at ang batayan (“criteria”) ng kanilang pagpili ay: Artistic Excellence — 40%, Commercial Appeal — 40%, Filipino Cultural Sensibility — 10%, and Global Appeal — 10%.

Kung limang horror movies o may pagka-horror ang pinili nilang mapabilang sa 8 entries, nangangahulugang alam ng selection committee na matindi ang commercial appeal ng horror movies sa madlang Pinoy kahit sa panahon ng Kapaskuhan na panahon ng pagsasaya. Parang ayaw ng mga Pinoy na basta masaya lang sa Christmas season. Kailangan ay may nakatatakot din.

O talagang kahibangan ng mga Pinoy na gustong-gusto nilang takutin ang sarili (dahil pessimistic na ang mga Pinoy ngayon). 

May mga tao na nagsasabing ang horror films ang pinakawalang Diyos na pelikula. Kasi nga raw maski sa loob ng simbahan, namamayani ang mga diablo. 

Pero alam n’yo ba na ang mga film critique sa ibang bansa ay nadiskubreng positive at optmistic ang Whether the Weather is Fine kahit na tungkol ito sa pananalanta ng bagyong Yolanda sa Tacloban? 

At wala kaming natulikap na negative review ng pelikulang ito na nagtatampok kina Charo, Daniel, at Ranz. 

Alam n’yo bang ayon sa foreign critics, may dalawang musical numbers sa pelikula. May part ang pelikula na magic realism. 

Kay Direk Cathy Garcia Molina pala ang pang-kabataang Love You at the First Stream. First ever ito na masasali sa MMFF ang isang pelikula ng holder ng record na all-time highest grosser Pinoy Film (at ‘yon ay ang Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards)? 

Of course, ang ABS-CBN Films management ang nagpasya na i-submit ‘yon sa MMFF 2021 selection committee. At kahit na parang unknown pa ang mga bida sa Love You at the FIrst Stream, parang posible itong maging topgrosser dahil sa rami ng kabataan sa ating bansa. 

Kahit walang entries ngayon ang perennial topgrossers na sina Vic Sotto at Vice Ganda, mukhang kikita pa rin ito.

About Danny Vibas

Check Also

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB Inilabas na, angkop na klasipikasyon para sa siyam na pelikula

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SIYAM na pelikula—mula sa maaksiyon hanggang sa nakakaantig-ng-pusong mga istorya—ang …

Direk Romm Burlat at Tess Tolentino, wagi sa 9th Urduja Film Festival

Direk Romm Burlat at Tess Tolentino, wagi sa 9th Urduja Film Festival

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGWAGI ng apat na major awards ang pelikulang ‘Manang’ sa …

Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5

Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5 ngayong Disyembre

NGAYONG Kapaskuhan, hatid ng TV5 ang ultimate Christmas saya sa isang star-studded Christmas extravaganza at bagong updates …

Vic Sotto Piolo Pascual Kingdom

The Kingdom nakae-excite, maraming matututunan  

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAGASTOS ang The Kingdom, dahil pawang malalaki ang eksena at locations. Hindi …