Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos, Kuya Germs, German Moreno

Ate Vi, mala-kuya germs na rin mag-celebrate ng birthday

HATAWAN
ni Ed de Leon

DATI kung sabihin, si Kuya Germs lang ang may isang buwang birthday celebration, pero iyon naman ay dahil lamang sa dami ng mga artistang gustong bumati sa kanya ng personal. Sayang din naman kung pagkatapos bumati ay paaalisin mo na ang artista. Kaya ang kanyang birthday celebration na ginagawa ay niyang isang buwan para mahati ang mga gustong bumati at mas mabigyan naman sila ng importansiya.

Aba, ngayon ay mukhang ganoon na rin ang mangyayari kay Congresswoman Vilma Santos. Sa dami naman ng mga gustong mag-celebrate ng kanyang birthday, sinabi nga niyang ipakikita niya iyon sa kanyang vlog at malamang, isang buwan ang itagal niyon.

Paano mo nga bang tatanggihan, noong isang araw nagkaroon ng formal lighting ng isang giant Christmas tree sa Lipa, tanda ng pagsalubong ng buong lunsod sa Kapaskuhan, Dinaluhan iyon ng maraming tao, tapos naka-announce rin pala na iyon ay birthday celebration din ng kanilang congresswoman na inihanda nila para sa mga taga-Lipa. Palalampasin ba naman ng mga taga-Lipa ang pagkakataong iyon? Dumagsa talaga ang mga tao, pero naipatupad naman ang health protocols. Bukod doon, ang dami pang gustong mag-celebrate kahit na late na, mabuti iyong fans, sabi ni Jojo Lim, nag-celebrate na lang  sila on their own dahil alam naman nila na halos imposibleng maisingit pa iyon ni Ate Vi sa kanyang schedule, at iyan namang sina Jojo, hindi iyan ang tipo ng fans na masyadong demanding.

Inamin naman ni Ate Vi, na bagama’t siya ay naka-reverse isolation bilang pag-iingat laban sa Covid, hindi talaga puwedeng hindi siya lalabas ngayon. Mapipilitan siyang lumabas. Kung mapapansin ninyo, tumutulong man si Ate Vi sa kampanya ng kanyang mga kapartido, sa social media na lang niya ginagawa iyon dahil ang buong partido naman nila sa lalawigan ng Batangas, lahat walang kalaban. Kakampanya na lang siguro si Ate Vi sa mga kaibigan nila na tumatakbo sa national positions. Pero hindi naman kailangang madalas iyon.

Pero sabi nga niya, kung dadalo man siya sa susunod na SONA, sa gallery na ulit siya uupo, at member na ulit siya ng mga congressional wives. At talagang lalabas na siya, dahil hindi ba gagawa na siya ng pelikula ulit?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Andrew E 38th Aliw Awards

Andrew E., nagwagi bilang Best Rap Artist sa katatapos na 38th Aliw Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MINSAN pang napatunayan ang husay ng Pinoy rap icon na si Andrew …

Richard Gomez Rene Gacuma

Richard inireklamo nambatok ng PH fencing prexy

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang na-involve si Cong. Richard Gomez sa isyu ng “pisikalang away” …

Vilma Santos Uninvited Kyle Echarri Kaila Estrada Janice de Belen

Uninvited waging-wagi sa Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD sa Best Actress ni Ms Vilma Santos, nanalo rin ang Uninvited ng Best Supporting …

Vilma Santos Gawad Tanglaw

Vilma tinanggap ika-5 pagkilala mula Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGLAMBING sa inyong lingkod si Gov. Vilma Santos-Recto na i-represent siya sa katatapos …

Innervoices Aliw Awards

InnerVoices wagi sa Aliw Awards 2025

MATABILni John Fontanilla  BAGO matapos ang 2025 ay tumanggap ng parangal ang Innervoices bilang Best Group Performer in …