Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Abby Viduya, Priscilla Almeda

Priscilla Almeda ibabandera ang ‘new sexy’ movie sa Viva

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

IBA nga ang nagagawa ng pag-ibig! ‘Yung true love, ha?

Swak na swak nga kina Jomari Yllana at Abby Viduya ang kasabihang sa haba-haba man ng prusisyon, sa puso ng isa’t isa pa rin ang tuloy.

Nagpa-sexy si Abby sa mga papel na ginampanan niya matapos ang mga pa-tweetums after ng horror flick na Guwapings Adventure na sila nagkasama ng last man na raw sa buhay niyang si Jom.

Nang bumalik siya sa bansa matapos ang ilang dekadang pananahan sa Canada, wala naman sa hinagap niya na babalikan pa rin ang na-miss na mundo ng pag-arte.

Eh, once bitten by the acting sabi nga, mahirap nang tumalikod.

Nakita siya ni Boss Vic del Rosario. Kaya through her manager all these years na si Nestor Cuartero, gusto pa rin siyang isalang ng Viva Honcho sa challenging roles now.

Isa siya dapat sa gaganap sa Pornstar pero, hindi pa confident noon si Abby na mag-pelikula dahil mabigat pa ang timbang niya.

So, ngayon, she did all the works in preparation sa pagbabalik niya bilang Priscilla Almeda uli sa big screen and the boobtube. No, hindi naman daw nila ipina-Fengshui ang gagamitin niya uling monicker.

“I just felt na mayroon pa rin siyang recall kung saan ako nakilala ng mga tao.”

Malamang na si Abby, o Priscilla ang magbibigay ng bagong depinisyon sa “new sexy” sa pagsalang niya sa inihahanda ng re-launch movie niya sa Viva.

“Gustong-gusto ko ang mga dialogue ni Direk Darryl Yap. Where was he when we were making movies? Ang galing. I hope to work with him. Ang sexy naman ngayon is what goes on in your mind at sinasabi mo in your lines. I was known before na talagang very vocal na when it comes to saying what’s on my mind. Kaya marami rin teenage girls noon na for sure nag-mature na rin now like me na nagustuhan my way of expressing myself wherever and whenever.”

Puspusan na ang preparations ni Abby, ay Priscilla sa kanyang pagbabalik sa pelikula. Natapos na niya ang mother role niya fighting for animal rights in GMA-7s soon-to-be shown Lolong.

“May treatments na ginagawa sa akin in Dra. Jen Ortiz’ Clinic. Lipo Cavitation and the Em-Sculpt (na ginagawa rin kay JLo). Mas mabilis matunaw ang fats. Then sa skin ko. I love to cook and eat. Kami ni Jom. Kaya bantay talaga.

“Body shaming is a no-no for me. That is so rude. Kasi, iba-iba naman tayo ng pinagdadaanan. And being sexy is not just in the physical look, like what I said. Hindi naman kailangan na model agad ang katawan mo. I used to weigh 200 plus pounds. Now nabawas na about 70 pounds. So, ‘pag gusto magagawa natin.”

Abangan natin ang bagong Priscilla sa ipakikilalang “new sexy” ng Viva in her projects.

Walang tutol si Jomari na very supportive sa kanyang partner sa mga gagawin pa nito na kailangan sa kanyang proyekto.

Minsang iniyakan ni Abby ang pagsusuot ng bathing suit noong bagets pa siya dahil hindi pa siya komportable sa katawan niya.

Nang mag-Seiko si Priscilla, ‘yun na!

Now, Priscilla…the Queen of Parañaque and Jomari’s heart is back. And that calls for another story!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

Arrest Shabu

Parang kendi lang kung magbenta ng shabu sa kalye, 2 tulak nakalawit

DALAWANG personalidad na kabilang sa isinasangkot sa droga ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang …