Sunday , December 22 2024
Joel Torre, Mother Joy, Barumbadings

Joel Torre, nag-enjoy bilang Mother Joy sa pelikulang Barumbadings

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAGng premyadong aktor na si Joel Torre na ibang challenge sa kanya ang comedy-action movie na Barumbadings na pinamahalaan ni Direk Darryl Yap.

Role na bading ang ginagampanan dito nina Joel, Jeric Raval, Mark Anthony Fernandez, at Baron Geisler. Bibigyan ng twist ang kanilang pagiging barumbado at makikilala sina Raval, Fernandez, at Geisler bilang Barumbadings.

Esplika ni Joel, “Siyempre, unang-una tinanggap ko ang role kasi nakita ko kung sino iyong mga kasamahan ko. All of the cast members or most of the cast members na kasama, hindi sila gay, so there lies the challenge. And it’s a novelty again, dahil mga totoong lalaki ang gaganap na mga bading.

“Of course, I was really challenged, in fact, I have a one on one kay Direk Darryl kung ano talaga ang concept niya about the movie. I just don’t accept roles kung ano… So, in-explain niya naman sa akin kung ano ang peg dito… So sabi ko, of course I love the idea that… well secretly, isa sa mga bucket lists ko is to play an openly gay or a very flamboyant gay, a very colorful gay character.

“In inspiration to the The Adventures of Priscilla, Queen of the Desert, nang napanood ko si Terence Stamp, whose a really great British actor na ginawa ni Terence Stamp iyon.”Patuloy pa niya, “So, it was a challenge for me of course… Phycially, it was very challenging to wear a bra for 24 hours or something like that. But the characterization was more important to me. Na in-explain naman ni Direk Darryl about the idea, the vision behind the movie.
“Wala naman akong qualm na kung ano. I just wanted to hear his side kung ano talaga ang gusto niyang ipalabas sa pelikula.”

Dagdag pa ng award-winning actor, “So, like I’ve said, I think kompleto na ako sa mga bucket list ko. There are no more roles that I’m seeking, except maybe a Tootsie woman talaga ako or whaever.

“But in my career, I think I’ve done almost everything and as an actor naniniwala ako na you’re suppose to do anything as an actor or you’re suppose to be capable of doing anything, as a challenge.”Si Joel ay bibida rito bilang si Mother Joy, isang sikat na fashion designer na may-ari ng dress shop na House of Joy. Kahit bruskong tignan dahil sa kanyang bigote at balbas-sarado, siya ay may malambot na puso, maawain at mapagpatawad. Hindi niya pinapatulan ang mga nangbu-bully sa kanyang pagiging bakla. Kinupkop niya sina Izzy, Jopay, at Rochelle upang ilayo sa gulo, at sa halip ay ipakilala sa mundo ng beauty pageants
Nag-enjoy ba siya sa pagganap na bading sa Barumbadings? “Oo naman, nag-enjoy ako kasi ang pakiramdam ko ay nakuha ko nang tama. I don’t go home na (tinatanong ko ang sarili ko na) … ‘Ano ba itong ginawa ko? Ano ba iyong ano ko…’ I was doing a lot of homework, nagho-home work ako, aside from the script. My inspirations were a lot of my gay friends na kilala natin,” aniya pa.

Ano ang scene na talagang nahirapan siya for this movie?

Tugon ni Joel, “Aside from the physicality, first time ko sa tanang buhay ko na nagsuot ako ng bra, that’s one. So I empathized with the women how uncomfortable it is. First time ko rin I think, na nagsuot ako ng eyelashes.

“But aside from that, there’s that scenethat Mother Joy has to make an ultimate sacrifice, without the protégés knowing it. That was a very difficult scene for me.

“Alam mo naman si Direk Darryl, ang bilis niyang magtrabaho. For the entire movie, I think we shot for 7 or 8 days. I shot for 4 days, pero ang daming eksena.

“It was a fun shoot, doon ako nahirapan talaga iyong mga emotional na eksena, but at the same time kailangang ideliver mo in a very feminine way. So, your feelings are very manly and very ano, pero kailangan ilabas mo in a very feminine way, with mascara smearing and everything.

“So you’re showing your deepest emotions in a very femine, not flamboyant, parang malambing na malambing (way). So kung puwede ka namang humagulgol, but at the same time i-taper down mo to be very womanly. So that’s one of the scenes,” mahabang kuwento pa niya.

Pahabol pa ni Joel, “Walking with a three inch heels is a pain. Kaya nag-eemphatize talaga ako sa mga babae.

“But it was fun, I really enjoyed doing all the scenes. Kasi, lahat sila were a challenge for me, because it was my first time doing it.”

Kasama rin sa pelikula sina John Lapuz bilang Queenpin, isang bakla, at si Cecil Paz bilang Buchi, isang tomboy. Dati silang magkarelasyon na naging mortal na magkaaway. Sila ang rason kung bakit nasangkot sa karahasan sina Izzy (Jeric), Jopay (Mark), at Rochelle (Baron).

Simula ngayong Nov. 5, 2021, mapapanood na ang Barumbadings sa Vivamax.

About Nonie Nicasio

Check Also

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …