Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Albie Casiño, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Kathniel, KathBie

Cristy Fermin nanghinayang kay Albie — Siya dapat si Daniel Padilla ngayon

MA at PA
ni Rommel Placente

SA online show nilang Take It Per Minute, sinabi ni Cristy Fermin na si Albie Casino sana ang nasa katayuan ngayon ni Daniel Padilla na sikat na sikat. Na siya dapat ang naging ka-loveteam ni Kathryn Bernardo.

Hindi lang ‘yun nangyari dahil sa balita noon na si Albie ang ama ng ipinagbubuntis ni Andi Eigenmann. Na later on, ay lumabas din ang katotohanan na si Jake Ejercito ang tunay na ama ng panganay ni Andi na si Ellie.

Sabi ni Cristy, “’Di ba si Albie Casiño dapat ‘yung mabibigyan ng napakalaking role sa isang pelikula nila ni Kathryn Bernardo? Pero noong sumabog nga itong isyu ay nagpa-audition nga ulit itong Star Cinema ng ibang artista na pwedeng gumanap sa kanyang role.

“At napakasuwerte naman po talaga nitong si Daniel Padilla. Roon ay naglaro ang kapalaran. Maaaring hindi talaga para kay Albie Casiño itong katanyagan na ito kasi hindi natuloy, may humarang.”

Sabi pa ni Tita Cristy na naiintindihan niya si Albie kung nakapagsasalita pa rin ito nang hindi maganda laban kay Andi. 

“Kung ako ang nasa katayuan ni Albie, talagang masakit. Imagine-in mo ‘yung ganda niyong oportunidad na lumipad dahil lumabas ‘yung isyu ng pagdadalangtao ni Andi na siya ang ama.

“Sino namang produksiyon ang kukuha sa isang aktor na pinagbibintangang ama ng isa ring anak ng artista? Natural papalitan siya. ‘Yun ‘yung napakalaking oportunidad na lumipad,” dagdag pa ng beteranang manunulat.

O ‘di ba, nakahanap ng kakampi si Albie sa katauhan ni Tita Cristy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …