Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Richard Quan, Jane de Leon

Richard Quan, kumbinsidong swak na Darna si Jane de Leon

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG award-winning actor na si Richard Quan ay isa sa hindi nawawalan ng proyekto, sa TV man o pelikula, kahit panahon pa rin ng pandemic.

Bahagi si Richardng Huwag Kang Mangamba na pinagbibidahan nina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Seth Fedelin, Sylvia Sanchez, Mylene Dizon, Andrea del Rosario, at marami pang iba.

Nalaman din namin na magkakaroon ng Book-2 ang serye nilang He’s into Her na tinampukan nina Donny Pangilinan and Belle Mariano.

Abala ngayon si Richard sa paghahanda sa pinaka-aabangan at tinatayang pinakamalaking TV series na Darna, na tinatampukan ni Jane de Leon. Gaganap siya rito bilang si Rex Vanguardia, na mula sa planetang Marte.

Inusisa namin ang veteran actor sa ginagawang paghahanda sa naturang serye?

Tugon niya, “Sa ngayon keeping fit and ready sa mga possible action and fight scenes.”

Ano ang masasabi niya sa bida sa Darna na si Jane?

“First time kong na-meet si Jane noong story conference nito. I know she is also excited and pressured at the same time… it’s a big responsibility, kailangan niya ng support from us na mga co- actors nya, which all of us, I’m sure, are aware and willing to give,” esplika ni Richard.

Bagay ba siyang maging Darna?  “Yes, bagay na maging Darna si Jane,’ matipid na wika pa ng aktor.

Incidentally, ang pelikulang aabangan kay Richard na nakatakda niyang gawin o kasalukuyang tinatapos na ay ang Julio ni Direk Hubert Tibi. Ito ay hinggil sa journey ni Julio sa panahon ng pandemic, kung ano ang reflection ng mga Pinoy sa panahon ng pandemya. Plus, isa pang indie film mula kay Direk Nestor Malgapo naman.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …