Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jerry Gracio, Kapamilya Partylist

Kapamilya Partylist dapat tangkilikin

BULABUGIN
ni Jerry Yap

KAILAN lang ay nabalitaan ko ang pagtanggap ng nominasyon ng makata at manunulat na si Jerry B. Gracio bilang nominadong kinatawan ng Kapamilya Party-list.

        Hindi pa kami personal na nagkakakilala ni tokayo, pero marami na akong kuwentong narinig tungkol sa kanya. Hindi lang siya simpleng makata at manunulat kundi premyadong alagad ng sining sa literatura.

        Sa kanyang paskil sa social media ganito ang kanyang pahayag:

“Noong Oktubre 3, nagpaalam ako sa network na naging tahanan ko sa loob ng matagal ding panahon para tanggapin ang nominasyon ng KAPAMILYA Party-list para sa Kongreso.

Hindi ko alam kung mananalo ang party-list na ito, ni hindi ko alam kung may babalikan pa akong trabaho. Pero, inisip ko: lagi na lang ba tayong mag-aalala para sa bukas nang hindi kumikilos para baguhin ang kinabukasan? 

Sama-sama tayo sa laban para sa bansa ng ating mga pangarap, Kapamilya!”

Naniniwala ako, si Jerry Gracio ay higit na karapat-dapat para maging kinatawan ng mga mamamahayag at media workers sa Kongreso.

Suportahan po natin ang KAPAMILYA Party-list!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …