Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Entry exemption para sa mga turista pinagkakakitaan ng DFA o ni cong?

BULABUGIN
ni Jerry Yap

SPEAKING of tourists, bagamat hindi pa rin sila pinahihintulutan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na makapasok sa bansa, tuloy-tuloy naman ang ‘masasayang araw’ ng mga taga-Department of Foreign AffairsOffice of Consular Affairs (DFA-OCA) na nag-isyu ng “entry exemptions” para sa mga special request ng pulpol-litiko ‘este’ politiko na handang mag-sponsor ng mga Chinese national na papasok sa ating bansa?

Ayon sa isang impormante, tumataginting ‘daw’ na 300k hanggang 350k kada ulo ang ibinibigay para sa ilang masusuwerteng nilalang diyan sa DFA-OCA kapalit ang “entry exemption” para wala nang sita-sita sa airport?!

Sonabagan!

‘Yun naman daw mga gaya ni tong ‘este’ ‘cong’ na panay ang hirit ng ‘exemption requests,’ 500K kada ulo ang singil kaya malinaw na 150K ang naiiwan sa kanya kada ulo.

Wattafak?!

Paano nga naman kung may 10 ulo ka ‘per request’ e ‘di malinis na P1.5-M ang maiiwan?

Yam, yam, yam!

Bakit ka nga naman aasa pa sa mga ‘infra’ mo na bago pa mai-convert into cash, e kailangan ngayong eleksiyon ng pondo?

Nandito na ang easy money… sa DFA-OCA?

Paano naman kaya ang share ng mga ‘taga-Immig’ sa ganitong kalakaran?

Papayag ba sila na magtatak agad ng passport ng mga tsekwa kung walang mapapala?

Well, well, well!

Hindi natin masabi pero marami raw sa mga IO sa Bureau of Immigration – Ninoy Aquino International Airport (BI-NAIA) ang nagsasabi na ilan lang sa kanila ang may basbas na.

Awwts!

Actually, mas gusto  rin daw ng mga taga-DFA kung gagawing ‘express’ or i-expedite ang release ng kanilang endorsement dahil mas mataas umano ang “rate” nito kompara sa one month na karaniwang release ng exemption.

Talaga palang plantsado na pati requirements nila, huh?!

Pagdating naman daw sa China, isang tawag lang mula sa DFA-OCA sa Filipinas ay mabilis pa sa alas-kuwatrong bibigyan ng visa ang mga Tsekwa.

Kaya dapat lang na tuluyan nang i-lift ng IATF ang travel restrictions lalo sa mga turistang manggagaling sa green list countries, gaya ng China, Taiwan at Hong Kong (Special Administrative Region of China).

Upang matigil na ‘yang panghaharabas ng mga taga-DFA-OCA

Any comment on this, DFA Secretary Jose Rene Almendras?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …