Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paulo Avelino, LJ Reyes, Paolo Contis

Paulo Avelino nag-alok ng tulong kay LJ; Paolo Contis deadma

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGPAKITA agad ng concern si Paulo Avelino nang agad niyang tinawagan si LJ Reyes, kinumusta ang kalagayan nila sa America, at nagsabing handa siyang tumulong kung ano man ang kailangan lalo na ng anak nilang si Aki. Eleven years old na ngayon si Aki at kahit na matagal na silang naghiwalay ni LJ at may kanya-kanya ng buhay, hindi pinabayaan ni Paulo ang anak. Katunayan bago lamang sila umalis ng Pilipinas, sinasabing ibinili pa ni Paulo si Aki ng isang computer na top of the line, na magagamit sa pag-aaral at maging sa libangan na rin.

Taliwas naman iyan kay Paolo Contis, na ni hindi nagtangkang tumawag para kumustahin man lang ang lagay ng kanilang anak na si Summer. Sinabi rin ni LJ na, “hindi ko pa siya napatatawad, pero araw-araw idinadasal ko sa Diyos na sana ay matutuhan ko na siyang patawarin para maka-move on na rin ang buhay ko,” sabi ni Lj.

Mahirap ang buhay dahil wala pa naman siyang trabaho sa US pero naniniwala siyang madali lang naman siguro siyang makakakuha ng trabaho basta naghanap na siya.

Sa ngayon sinasabi niyang “sinusuportahan kami ng mommy ko at ng ate ko na pareho namang maganda ang buhay dito. Sinasabi nga ni mommy na huwag muna akong mag-intindi,mamasyal lang ako, kalimutan ko muna ang mga problema at kung ayos na ang lahat at saka na ako maghanap ng trabaho. Pero gusto ko naman makahanap agad ng trabaho para hindi naman kami maging pabigat sa kanila at saka mas madali siguro akong makaka-move on kung busy ako,” sabi pa ni LJ.

Hindi nga siguro mahihirapang humanap ng trabaho si LJ dahil may mga nagsasabing mukhang interesado sa kanya ang ilang talent agents sa US, para kunin siyang modelo o artista na rin dahil in demand ang Asian looking stars doon, at ang advantage ni LJ, kabisado na niya ang trabaho.

Pero kung iyon man ang pipiliin niya o ang isang mas pribadong trabaho, palagay namin madali naman sa kanya. Maliwanag lang iyan na kung magtatrabaho na nga siya sa US, malamang matagal na bago siya bumalik sa Pilipinas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …