Sunday , November 17 2024
Drivers license card LTO

Comprehensive Driver’s Education
BAGONG ‘PAHIRAP’ SA BAYANG MOTORISTA
(Dagdag gastos na, dagdag abala pa)

BULABUGIN
ni Jerry Yap

HINDI naman tayotumututol sa pagkatuto ng mga driver na maraming pagkukulang sa disiplina sa kalye.

        Pero sa ganang atin, ang bagong dagdag na requirement na Comprehensive Driver’s Education (CDE) ay hindi dapat maging general requirement para sa lahat ng magre-renew ng driver’s license.

        Mas malinaw siguro na i-require nila ito sa truck drivers dahil mahahalagang cargo ang ibinibiyahe nila, sa public transport drivers dahil buhay ng mga pasahero ang responsibilidad nila, at sa mga driver ng private vehicles na maraming paglabag sa batas trapiko — para matuto sila.

        Ibig nating sabihin, dapat ay selective ang rekesitos na CDE, hindi para sa lahat.

        Ikalawa, maraming problema ang Land Transportation Office (LTO) na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakaklaro nang husto, hayan at magdaragdag na naman ng requirement na CDE?

        Dagdag gastos na, dagdag abala pa!

        Mukhang diyan talaga magaling si LTO chief, Asst. Secretary Edgar Galvante, ang magdagdag ng gastos at mang-abala ng mga motorista.

        Bakit kaya hindi pagpapadali sa sistema ang isipin ng mga opisyal ng gobyerno, imbes gawing masalimuot ang mga rekesitos? 

        Hindi malayo na pasukin na naman ng sindikato ‘yang pagbibigay ng CDE. Kahit na sabihin ng LTO na libre ‘yan.

“Libre ang pagsailalim sa CDE sa mga LTO Driver’s Education Centers at sa LTO Portal.”

‘Yan ang sabi sa anunsiyo ng LTO.

Ang tanong, kaya ba nilang i-accommodate ang lahat ng aplikante para sa kukuha ng CDE? At gaano rin katagal bago lumabas ang certificate na kailangan sa pagre-renew ng lisensiya?

        Siyempre, sasabihin ng LTO mandatory na ‘yan, alinsunod sa Republic Act No. 10930. Ito nga ‘yung gagawin nang 10 taon ang bisa ng driver’s license (sa mga walang traffic violation/s) pero kailangan nga raw sumailalim sa CDE.

        “Ang lahat ng magre-renew ay kailangang dumaan sa Comprehensive Driver’s Education upang matanggap nila ang kanilang CDE certificate,” pahayag ng LTO Central Office sa Quezon City.

Heto ang kanilang anunsyo sa publiko:

Uumpisahan nang ipatupad ng LTO ang probisyon ng Republic Act (RA) 10930 tungkol sa pagre-renew ng Driver’s License sa ika-28 Oktubre 2021 sa Central Office-Licensing Section at Quezon City Licensing Center (QCLC). Susundan ito sa iba pang mga opisina sa National Capital Region sa ika-3 Nobyembre 2021.

Alinsunod sa RA 10930, na nag-uutos ng pagpapahaba sa bisa ng mga lisensya, maaari nang makapag-renew ng 10-year Driver’s License ang mga walang traffic violation record. Samantala, mananatili sa 5-year Driver’s License ang mga aplikante na may traffic violation record.

Ang lahat ng magre-renew ay kailangang dumaan sa Comprehensive Driver’s Education (CDE) upang matanggap nila ang kanilang CDE Certificate.

Ang CDE materials ay makukuha sa LTO Portal (portal.lto.gov.ph), sa mga LTO offices, at sa mga LTO-Accredited Driving Schools. Libre ang pagsailalim sa CDE sa mga LTO Driver’s Education Centers at sa LTO Portal. Kaya naman, inaanyayahan ang lahat ng kliyente ng LTO na magrehistro at lumahok sa Land Transportation Management System (LTMS) sa LTO Portal.

Para sa mga kliyenteng nasa labas ng NCR, antabayanan ang mga susunod na anunsiyo ng LTO ukol dito.

#DOTrLTO

#ComfortableLifeForAll

#LTOLookThinkObey

Ang mga aplikante umano ay kailangan mag-fill-up ng application form sa Land Transportation Management System (LTMS) page sa LTO website. Dito na rin umano ipoproseso ang lahat ng transaksiyon.

        Kung tunay na magiging maayos ang serbisyo ng LTO, wala nang iinam pa sa online transactions pero sana naman, please lang, huwag makarating sa C.M. Recto Ave., ang kuhaan ng CDE.

        Ibig sabihin, hindi pupunta ang mga aplikante sa Recto para sa CDE kung magiging maayos at mabilis ang proseso ng LTO.

        Wish ko lang…puwede ba LTO chief, ASec. Galvante?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

2 dating kaalyadong politiko ni Mayor Vico Sotto bumaliktad

DESMAYADO na ang dalawang dating mga kaalyadong politiko ni Pasig City Mayor Vico Sotto at …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …