Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ana Jalandoni, Kiko Matos, Aljur Abrenica, Neal Buboy Tan

Ana Jalandoni handang magpaka-wild

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ANIM na karakter ang ginagampanan ni Ana Jalandoni sa unang pinagbibidahang pelikula na isinulat at idinirehe ni Neal Buboy Tan, ang Manipula handog ng A Flix Productions.

Inilunsad si Ana sa pelikulang Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar ng Viva Films. At ngayon magbibida na siya sa ipinrodyus niyang pelikula, ang Manipula.

Ani Ana, Viva star pa rin siya at ipinagpaalam niya sa kanyang mother studio ang pagpo-prodyus. “Nagsabi ako sa kanila na magpo-prodyus ako ng movie, gusto kong mag-start kasi gusto kong mag-invest para sa career ko bilang actress. At mayroon din akong gusto pang gawin. Gusto kong umpisahan kasi ako ‘yung taong kapag may gusto, ginagawa ko.”

Maselan ang tema ng pelikula dahil apat ang pinutulan niya ng ari. Nagawa niya ito dahil ni-rape siya at pinatay ang kanyang ama kaya nagkaroon siya ng iba’t ibang personalidad para madakip ang mga humalay sa kanya at makapaghiganti.  

Aminado si Ana na sobrang bigat ng mga karakter na ginagampanan niya lalo’t iba’t ibang karakter ang ginagawa niya sa isang araw. At sa anim na karakter, nahirapan siya kay Kelvin na nagpanggap siyang lalaki at kay Sam dahil super sexy ito.

“Rito kay kay Sam kailangan kong ipakita na ko na love ko siya. Tapos intense at passionate ang aming lovescene. Tapos papatayin ko siya. Ang hirap kasi mahal ko ‘yung tao tapos papatayin ko,” esplika ni Ana sa isa sa anim niyang role.

“’Yung lovescene namin wild na may kasamang love, andoon ‘yung talagang mahal na mahal mo siya, pero kailangan kong maghiganti.

“Proud naman ako sa sarili ko kasi nagawa ko ng maayos at nagawa ko lahat,” sambit pa ng sexy star.

Sa mga nagawang pelikula Ana, itong Manipula ang maituturing niyang pinaka-daring. “Ito ang pinaka-daring, kasi usually ang ginagawa ko, comedy, sexy lang. Ito may lalim ang kuwento.”

Natanong namin si Ana kung hanggang saan ang kaya niyang gawing pagpapa-sexy since rito siya nalilinya.“Actually depende sa story (pagpapa-sexy). Kaya kong magpa-sexy ‘yun ntalaga ako, pero depende sa sabi ng director. Kung magkakasundo kami sa mga bagay kung ano ang mga kailangang gawin gagawin ko naman.”

Samantala, inurirat din si Ana kung hindi ba siya natatakot maintriga kay Aljur Abrenica na leading man niya sa pelikula.

“Hindi naman po. Nagkasama na kami ni Aljur sa mga out of town events , so, parang magkaibigan na kami at sinuportahan niya ang pagpo-produce ko,” giit pa ni Ana.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …