HATAWAN
ni Ed de Leon
IYONG isa pang humiwalay din naman at mabuti’t hindi pa siya nakapag-pakasal, si LJ Reyes, mukhang wala pa raw balak na umuwi sa Pilipinas. Tama rin naman. Kaya siya tahimik na nagtungo sa New York ay para ilayo ang mga anak sa intriga na dulot ng pakikipag-hiwalay kay Paolo Contis.
Sa klase naman si LJ, madali siguro siyang makakuha ng trabaho sa US, at siguro nga kung ang hangad niya ay matahimik na buhay para sa kanyang sarili at sa kanyang mga anak, mas mabuti ngang manatili na lang siya sa abroad. Kasi kaya nga natatahimik na sila, ay dahil malayo nga siya. Pero kung babalik siya, iingay na naman ang issues.
Sayang talaga ang career ni LJ dahil siya ay isang mahusay na aktres, pero dapat niyang timbangin ang kanyang career at katahimikan ng kanyang pamilya.