Friday , April 18 2025
KZ Tandingan 11 59

Kantang 11:59 ni KZ pinakamalaki sa puso niya

EXCITED si KZ Tandingan para sa kanyang bagong soul single, ANG 11:59 hindi lamang dahil ito ang una niyang internationally released single kundi itinuturing din niya itong pinakamalapit sa kung sino siya bilang artist.

“Out of all the songs I’ve released in the past, this I think is the closest to who I really am. This is really what I wanna do with my music, the sound I want to release out there,” ani KZ na tinaguriang Asia’s Soul Supreme.

Nagbahagi rin siya ng kuwento tungkol sa bagong labas na 11:59 music video na base mismo sa mensahe ng kanta at nagpapakita ng konsepto ng oras sa isang tuloy-tuloy na shot.

“I’m super proud of what we came up with. We did six layouts in one take,” ani KZ. 

Ikinuwento naman ni Dominic Bekaert ng Zoopraxi Studio na siyang bumuo ng konsepto at nagdirehe ng music video ang inspirasyon tungkol sa visual masterpiece.

“Listening to the song what we found beautiful in ’11:59’ is she gives her boyfriend a minute to come forward with the truth and explain what he has done, what he is hiding,” ani Dominic.

“To symbolize it, we created a track that goes around, time on a loop like a clock. The camera revolves around these different confessional scenes while she tries to get the truth of him,” dagdag pa niya.

Ang Grammy-nominated producer na si Luigie “LUGO” Gonzalez kasama sina Paulino Lorenzo at Idrise Ward-El ang nagprodyus ng pinaka-latest project ni KZ. Inilunsad naman ito sa ilalim ng Tarsier Records sa pagpapatuloy ng ABS-CBN na ibida ang galing ng mga Pinoy sa global stage.

Nabibilang ang kanta sa New Music Friday playlist ng Spotify sa 10 territories, kasama ang Malaysia, Singapore, Hong Kong, Indonesia, Taiwan, Vietnam, Thailand, Gulf, Korea, at Pilipinas pagkatapos itong ilunsad noong Biyernes (October 22).  

Patuloy na pakinggan ang 11:59 single ni KZ at panoorin ang music video nito sa Tarsier Records YouTube channel.  (MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Nora Aunor

Nora Aunor pumanaw na sa edad 71

PUMANAW na ngayong araw ang National Artist for Film and Broadcast Arts, Superstar Nora Aunor. Siya ay 71 …

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine sinopla ang isang netizen

MATABILni John Fontanilla HINDI napigilang sagutin at patulan ni Nadine Lustre ang isang  netizen na nagkomento sa …

ER Ejercito Comelec

Overspending case ni dating Laguna Gob ER Ejercito ibinasura na ng Comelec En Banc

DINISMIS na sa wakas matapos ang 12 taon ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang kasong …

MTRCB

Paalala ng MTRCB sa mga PUV Operators: “G” at “PG” na palabas lang sa bawat biyahe

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio Sa pagdagsa ng mga biyahero ngayong Semana Santa, muling nagpaalala ang …

Holy Week Cross Semana Santa

Have a blessed Holy Week 

I-FLEXni Jun Nardo PAHINGA muna tayo Hataw readers ngayong Holy Thursday hanggang Saturday. Sa Sunday na eh …