Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Chavit Singson, Globe, Smart, Dito

Telco Common Towers ni Chavit, handa na para sa Globe, Smart at DITO

BUKOD sa pag-i-invest ni LMP president at Narvacan Mayor Chavit Singson ng 100 million dollars sa South Korea, abala ang kanyang LCS Group of Companies para sa iba’t ibang proyektong ginagawa nito ngayon sa bansa.

Napakaraming proyekto ng LCS Group of Companies ngayon na ang alkalde ang chairman. Isa sa mga pinagkakaabalahan ngayon ng grupo ni Gov. Chavit ang pagpapatayo ng common towers. Katunayan, ang LCS group ang nangunguna sa pagpapatayo ng common towers para magamit ito ng tatlong pangunahing telecommunication companies ng bansa katulad ng Globe, Smart, at DITO para mas maraming lugar ang mararating at magkaroon ng mas maayos na signal ang mga telecom. Ang common towers ay hindi ipinatayo at hindi pag-aari ng mga telecommunication companies. Ito ay pag-aari ng mga independent companies katulad ng LCS Group at magsisilbi itong parang tollway, na babayaran ng telco companies upang magamit nila ang towers. Sa ngayon, may nakatayo nang mahigit 100 common LCS towers mula sa Region 1, 2 and 3 at mayroon na rin dito sa Metro Manila.  Layunin  nitong makapagpatayo ng 6000 common towers sa loob ng anim na taon sa buong bansa. Ang guidelines sa pagpapatayo  ng independent common  towers sa bansa ay inilabas lamang ng Department of Information and Communications Technology noong June 2020 para mas lalong gumanda ang serbisyo ng telcos sa bansa. Ang conmon towers ng LCS group ay makikilala bilang  pinakamalaking nagmamay-ari ng common towers sa buong Pilipinas.

Habang isinusulat ito ay nasa South Korea na naman muli ang dating governor upang magbigay ng karagdagang investment para sa entertainment dahil hindi maipagkakaila, sikat na sikat ang nasabing bansa sa paggawa ng magagandang teleserye na sinusundan naman talaga ng karamihan hindi lamang sa Asia kundi pati na rin  sa buong mundo at gusto ni Gov. Chavit na suportahan ito kasama na rin ang iba pang negosyo katulad ng pagpapatayo ng hotels, condominium at malls. 

Kamakailan ay nag-withdraw na rin ang mayor sa plano nitong pagtakbo bilang vice governor upang aniya ay maayos at magkakasundo ang mga miyembro ng kanyang pamilya. (MVV)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …