Friday , November 22 2024
Ben Simmons

Ben Simmons hindi pa handang maglaro sa Sixers

AMDEN, N.J. — Napasama si Ben Simmons sa shootaround ng  Philadelphia 76ers teammates nung biyernes ng umaga.  Ayon kay Shams Charania ng  The Athletic,  nagpahayag ang star player na gusto na niyang maglaro sa team pero hindi pa siya ‘mentally prepared.’

Sa pahayag  ni Adrian Wojnarowski ng ESPN na ang susunod na hakbang para kay Simmons ay  nakabase sa determinasyon ng  medical professionals.

Kinumpirma  ni NBC Sports Philadelphia’s John Clark ang nasabing report.

Si Georges Niang, na umiskor ng 11 puntos sa 4-for-5 shooting sa unang laro ng Sixers nung Miyerkules, ay nagpasyang manahimik na lang at huwag nang idetalye ang naging meeting kay Simmons.

“The locker room is a sacred place,” sabi niya.  “I don’t really feel comfortable sharing team business, especially when it’s being addressed in the locker room. Obviously Ben addressed us today and you guys know that. … But the locker room has always been a sacred place to me. What’s said and done in there I don’t really feel comfortable revealing, and that’s how I’ve been since Day 1.”

Pero siniguro ni Niang na nagtapos ang meeting sa magandang pagtatapos.

“Yeah, I think we left the meeting understanding what he had to say,” sabi ni Niang. “And we came out and got ready for Brooklyn.”

Sa tweet ni Tobias Harris, sinabi nitong handa nilang yakapin si Simmons kapag handa na itong maglaro.

Hanggang nung Biyernes nang hapon, kuwestiyunable pa rin kung maglalaro si Joel Embiid sa laban ng Sixers kontra Nets sa Wells Farco Center.

Hindi makalalaro si Shake Milton nadale ng ‘right ankle sprain’ at Grant Riller na iniinda ang injury sa kaliwang tuhod.   Si Simmons ay ibinaba ang kanyang status mula sa ‘doubtful with the designation of return to competition reconditioning to out for personal reasons on the 1:30 p.m. ET injury report.’

Inaasahan na mananatili si Tyrese Maxey bilang starting point guard.  Nagpakita siya ng lakas sa kanyang bagong role sa Sixers’ season-opening win laban sa Pelicans.   Kumana siya ng 20 puntos, five assists at isang turnover.     Si Andre Drummond ay tatayong sentro kung hindi makalalaro Embiid.

About hataw tabloid

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …