Rated R
ni Rommel Gonzales
PATULOY ang pamamayagpag ng GMA Network sa mga international award-giving bodies matapos makakuha ng 1 World Medal at 5 Finalist Certificates sa prestihiyosong 2021 New York Festivals (NYF) World’s Best TV and Films Competition.
Nagkamit ang investigative program at eight-time NYF World Medalist na Reporter’s Notebook ng Bronze Medal para sa dokyu nitong Mga Sugat ni Miguel sa ilalim ng Documentary: Health/Medical Information category. Ika-siyam na World Medal na ito ng programang hosted nina Maki Pulido at Jun Veneracion.
GMA rin ang nanguna sa mga short-listed entry mula sa Pilipinas. Ang segment ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) na Babaeng Tinaga sa Mukha nag-uwi ng finalist certificate sa Documentary: Social Justice category. Isa pang Public Affairs program, ang Reel Time, ang tumanggap ng finalist certificate para sa This Abled dokyu sa ilalim ng Documentary: Heroes category. Ang The Atom Araullo Specials ay may finalist certificate rin para sa episode nitong The Atom Araullo Specials: Dreams of Gold sa ilalim ng Program: Sports Documentary category.
Ipinagmamalaki ring mapabilang ng The Clash sa mga nag-uwi ng finalist certificate para sa Entertainment Program: Variety category. At ang first-ever virtual reality concert sa Pilipinas na Alden’s Reality: The Virtual Reality Concert ay nakakuha rin ng finalist certificate para sa TV airing nito sa ilalim ng Entertainment Special: Special Event category.
Congrats, mga Kapuso!