Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Guimary

SUNSHINE GUIMARY GUSTONG MAGING SERYOSONG AKTRES

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INAMIN ni Sunshine Guimary na balang araw makakawala rin siya sa paggawa ng sexy movies.

Hindi naman nagrereklamo si Sunshine sa pagpapakita ng kanyang kaseksihan dahil doon talaga siya nagsimula at nakilala. Ipinagpapasalamat nga niya na sunod-sunod ang mga pelikulang ginagawa sa Viva. 

Aniya, ”Mahirap ‘yung feeling na alam mo ng naka-signature na sa ‘yo ‘yung sexy, siyempre ‘yon ang hahanapin sa ‘yo ‘di ba? So the challenge for me, parang walang pelikula na hindi ako puwedeng hindi maghubad.

“Parang naging requirements na siya ‘pag mayroon kang tatak na sexy profile, parang hindi na ikaw ‘yon ‘pag hindi mo kayang maghubad, ganyan. And ako naman, siyempre, pinaninindigan ko ‘yon at ibinibigay ko pa rin lahat kung ano ang kailangan sa akin,” sambit ni Sunshine na pagkatapos ng Kaka at Shot! Shoot Di Ko Siya Titigilan sa House Tour naman siya mapapanood simula October 22, 2021 sa Vivamax na idinirehe ni Roman Perez.

Pangarap ni Sunshine na makagawa rin siya ng serious movies. ”Siyempre pangarap ko na magkaroon ng super serious na movie, ‘yung may awayan, selosan, mistresses. ‘Yung totoong banatan at ‘yon ang isa sa pangarap kong gawin.

“Yon ang palagi kong pinagpe-pray, pero siyempre kung anong gusto ng mga big boss natin sa Viva susunod pa rin naman ako. Pero ‘yung pangarap ko sana mangyari rin yon,” wish ng tinaguriang braless vlogger.

Inilunsad si Sunshine ng Viva Films via Kaka noong February 2021. Sa Housetour na isang sexy heist thriller movie ay makakasama niya sina Cindy Miranda, Mark Anthony Fernandez, Marco Gomez, at Diego Loyzaga.

Ginagampanan ni Sunshine ang isang award winning actress na si Gabby na asawa ni Franco (Rafa Siguion-Reyna) na dating manlalaro sa Olympics at naninirahan sa isang mala-resort na tahanan. Sikat silang vloggers na nang mahilingan ng viewers ay nagpa-housetour. Sa kasamaang palad, isang akyat-bahay gang ang nakapanood niyon at pinag-aralang mabuti ang pasikot-sikot ng kanilang bonggang bahay. Doon magaganap ang hindi inaasahan ng mag-asawang Gabby at Franco. Kung ano iyon, ‘yan ang dapat alamin sa pagtutok sa Vivamax.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Andrew E 38th Aliw Awards

Andrew E., nagwagi bilang Best Rap Artist sa katatapos na 38th Aliw Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MINSAN pang napatunayan ang husay ng Pinoy rap icon na si Andrew …

Richard Gomez Rene Gacuma

Richard inireklamo nambatok ng PH fencing prexy

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang na-involve si Cong. Richard Gomez sa isyu ng “pisikalang away” …

Vilma Santos Uninvited Kyle Echarri Kaila Estrada Janice de Belen

Uninvited waging-wagi sa Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD sa Best Actress ni Ms Vilma Santos, nanalo rin ang Uninvited ng Best Supporting …

Vilma Santos Gawad Tanglaw

Vilma tinanggap ika-5 pagkilala mula Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGLAMBING sa inyong lingkod si Gov. Vilma Santos-Recto na i-represent siya sa katatapos …

Innervoices Aliw Awards

InnerVoices wagi sa Aliw Awards 2025

MATABILni John Fontanilla  BAGO matapos ang 2025 ay tumanggap ng parangal ang Innervoices bilang Best Group Performer in …