Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Piolo Pascual, Shaina Magdayao, Jodi Sta. Maria, Raymart Santiago

PIOLO & SHAINA SWEET-SWEETAN; SPOTTED IN BOHOL WITH JODI & RAYMART

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

MAY kasabihan, ‘action speaks louder than voice’ pero base sa viral photos nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao na kasama sina Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago na nasa isang resort sila sa Bohol ay puwedeng sabihing may ugnayan na ang dalawa.

Alangan namang chaperon nina Raymart at Jodi sina Piolo at Shaina sa resort? For sure may ‘something’ din ang dalawa na matagal na rin naman nilang sinasabing exclusively dating sila.

Hindi maikakaila ang mga larawan nina Papa P at Shaina na ‘sila’ na talaga dahil may kuhang naka-upo ang una at yakap niya ang dalaga na nakasandal sa kanya, bukod pa sa nasa yate sila at tila natutulog ang aktor sa kandungan ng aktres habang nakahilig naman sa dibdib nito.

Naalala tuloy namin ang sagot ng common friend namin ni Papa P noong tinanong namin kung sino ang girlfriend nito ngayon dahil mukhang mayroon.

Ang mabilis na sagot sa amin, ”’di ba si Shaina? Hindi pa ba sila umaamin? Matagal na silang dating ‘di ba? Alam ko sila na.”

Hindi namin ito isinulat kasi mahirap ng walang pruweba, but since may mga larawang naglabasan na sa social media, eh, ano pa ba ang ibig sabihin niyon?

Kailan nga kaya aamin sina Piolo at Shaina sa kanilang relasyon? In fairness, perfect combination sila dahil parehong negosyante, parehong established na sa kanilang respective careers at parehong walang sabit at parehong maayos ang pamilya.

Kaya Piolo at Shaina, huwag n’yo nang pakawalan ang isa’t isa ‘no!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …