Friday , November 15 2024

Balik-negosyo na

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

NAKAMIT na sa wakas ng sektor ng negosyo ang ninanais nito – ang maibaba ang pandemic risk classification sa Metro Manila sa mas maluwag na Alert Level 3 upang payagan ang mas maraming negosyo na mag-operate at dagdagan ang kapasidad ng kanilang serbisyo.

Higit sa lahat, ang bagong sistema ng quarantine na granular lockdowns, kasabay ng agresibong pagbabakuna, ay naging epektibo pabor sa matagal nang argumento ng mga tagapangasiwa ng ekonomiya na paradigm shift mula sa dating “solusyong lockdown” laban sa pagdami ng kaso ng CoVid-19.

Ito na marahil ang mas akmang “new normal” sa Metro Manila, ngayong 80 porsiyento ng puntirya nitong bakunahan ay fully vaccinated na.

Ang pagpapasiglang muli sa mga negosyo ay hindi masasabing makasarili sa panig ng mga kapitalista na higit sa pag-iingat ay praktikal ang pananaw sa pandemya. Sa totoo lang, nalulunod ang ekonomiya sa pagkakalugmok, sa kakulangan ng aktibidad, at sa kawalan ng trabaho, gaya ng kung paanong nalulunod ang mga ospital sa dagsa ng mga pasyenteng may CoVid-19.

Nitong weekend, maraming negosyo ang mistulang napaaga ang Pasko, na 11 linggo na lang ang hihintayin, nang nagsimula nang dumagsa ang pami-pamilya sa mga malls at iba pang pasyalan. Maging ang mga bata ay nakalaya mula sa kanilang mga ‘kulungan.’

Pero huwag tayong masyadong magdiwang. Sa halip, ipaaalala ng kolum na ito ang babala ni Health Undersecretary Dr. Rontgene Solante na nakikinita raw ng World Health Organization ang posibleng biglaang pagdami ng hawaan sa labas ng Metro Manila.

Ang mas nakahahawang Delta variant, na kayang dumapo kahit sa mga nabakunahan na, ay nasa paligid pa rin natin. At kapag nangyari ang pagdami ng mga kaso, ang mga rehiyon sa labas ng Metro Manila ay may kakaunti lang na mga ospital na kayang tumanggap at magligtas ng buhay ng mga may CoVid-19.

Totoong maaari na nating ipagdiwang ang new normal dito sa sentro ng bansa, pero hindi ito nangangahulugang magpapakakampante na lang tayo.

*         *         *

Samantala, hindi tamang samantalahin ng mga negosyo ang mas malaki ngayong oportunidad para kumitang muli sa pamamagitan ng panggigipit sa kanilang mga empleyado.

Nakarating sa Firing Line ang maraming reklamo na ipinagkakait ng mga negosyante ang suweldo ng kanilang mga manggagawa dahil sa patakaran nilang “no vaccination, no pay.”

Walang pahintulot ng gobyerno ang ganitong panuntunan, na paglabag sa ating mga batas sa paggawa at maging sa pangunahing karapatang pantao ng mga empleyado.

Panahon nang pakilusin ng Department of Labor and Employment ang mga inspektor nito upang beripikahin ang mga ganitong sumbong sa pamamagitan ng kanilang helplines.

*              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …