Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Sa mga driver: Kung may disiplina, walang multa sa NCAP

BULABUGIN
ni Jerry Yap

INILUNSAD kamakailan ng butihing Quezon City Mayor Joy Belmonte ang “No Contact Apprehension Program”  o NCAP.

Ito ay isang makabagong pamamaraan ng paghuli sa mga lumalabag ng batas trapiko sa pamamagitan ng mga high-tech na camera na naka-install sa iba’t ibang lugar sa siyudad.

Ang mga high-tech camera ay may kakayahang makunan nang malinaw na retrato ang mga plaka ng mga sasakyang ang driver ay lumalabag sa batas trapiko, pampubliko man ito o pribado.

Itong NCAP ay naisagawa sa ibang siyudad at kitang-kita ang kaibahan ng sitwasyon ng trapiko sa mga nasabing lugar na higit na napabuti. Mapapansin na naging mas disiplinado ang mga driver sa mga siyudad na nagpapatupad ng NCAP, sa takot na matiketan at pagmultahin kapag sila ay nahuli.

Ang kadalasang mga nahuhuli ng camera ay beating the red light, pag himpil sa pedestrian lane at yellow box, at ang counterflow.

Itong programa na ito ay akmang-akma sa uri ng pamunuan ni Mayora Joy dahil layunin ng alkalde na maiayos ang ekonomiya ng kanyang siyudad habang nagtatayo ng mga impraestruktura sa ikauunlad ng mga mamamayan.

Ayon sa datos noong 2019, tinatantiyang nasa P3.5 bilyon ang nawawala dahil sa matinding trapiko. Kabilang na rito ang krudong nasusunog, ang oras ng empleyadong late sa pagre-report sa trabaho, at ang halagang ng mga pinsalang naidudulot ng mga aksidente sanhi ng mga pasaway na driver.

Sa lawak ng Lungsod ng Quezon, kahit gaano karaming traffic enforcer ang italaga sa mga pangunahing lansangan, hindi pa rin maiiwasan ang aksidente at trapiko dahil sa tahasang paglabag sa batas ng mga driver na lubos ang pag-aakala na hindi sila masasakote.

Ayon sa MMDA noong 2020, nanguna ang Quezon City sa pagkakaroon ng mahigit sa 50,000 pinsala dulot ng mga aksidenteng pantrapiko.

Ngayon, dahil sa NCAP, sigurado na ang pagbaba ng mga aksidente sa Lungsod ng Quezon. Luluwag na din ang mga lansangan dahil aayos na ang pagmamaneho ng mga driver at hindi na hahambalang sa mga interseksiyon na nagiging dahilan ng pagbabara at kalaunan ay pagtindi ng trapiko.

Walang pinipili ang NCAP sa paghuli ng traffic violators hindi katulad nang dati na nadadaan sa palakasan ng mga VIP ang iwas-huli. Lahat huli at walang lusot!

Napapanahon din ang paglulunsad nitong NCAP upang mabawasan ang face-to-face exposure ng traffic enforcers sa mga driver na maaaring magdulot sa kanila ng kinatatakutang CoVid-19.

Kaya ‘t sa mga nagdadahilan pa riyan at ayaw ng progresibong sistema tulad ng NCAP, aba ay hindi aabante ang Filipinas sa mga ganyang pag-iiisip. Simple lang naman ‘yan, kung may displina, walang multa, ‘di ba?!


BI DETAINEE IPINA-DEPORT
KAHIT MAY PENDING RTC CASE?!

ANO raw kaya itong napipintong pasabog tungkol sa isang detainee ng Bureau of Immigration (BI) na kamakailan lang ay naipa-deport kahit hindi pa nararapat?

Huwat?!

You heard it right!

Ito raw ang bulung-bulungan ng mga detainee sa loob diyan sa BI Warden’s Facility sa Bicutan tungkol sa isang “big time” na detainee na himalang nagawan ng paraan na maipa-deport kahit hindi pa tapos ang kasong dinidinig sa bansa!?

Wattafak!

Magkano ‘este’ paano nangyari ‘yan?!

A trace of wrongdoings noong mga nakaraang administrasyon?!

Sinabi n’yo pa!

Dati kasing “bad habit” noon ng ilang liars ‘este’ lawyers diyan sa Depo Unit ng BI ang magpa-deport ng mga akusadong foreigners kahit may existing cases pa sa Regional Trial Court .

Pero since nagagawan nga ng paraan na maikuha ng court and NBI clearances kaya kahit hindi pa tapos ang kaso ay dali-daling naipatatapon palabas ng bansa.

Ay ganern?!

Siyempre naman lalo “if the price is right?!”

Kundi rin tayo nagkakamali, halos lahat ng mga nakapo sa administrasyon ay tinamaan na ng ganitong isyu sa Bureau?!

Remember, suki noon diyan si Comm. Ric Dayunyor?

Sa ngayon ay isang ‘sekretong malupit’ daw ito diyan sa BI Main Office pero maaari na raw itong sumabog anomang oras dahil hawak na raw ng isang senador ang ebidensiya.

Oh Em Gee!

Does it mean another senate inquiry is ‘in the offing?’

Hindi malayo!

Dahil after daw pumutok ng nasabing issue ay siguradong aabante nang milya-milya ang boto ng senador na mag-e-expose nito.

How exciting na naman!

Abangan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …