Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ali Sotto, Pat-P Daza, Ano Sa Palagay N’yo

Tambalang Ali Sotto at Pat Daza, masusubukan sa Ano sa Palagay ‘Nyo? ng Net25

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SIMULA ngayong Lunes, Oct. 18, mapapanood na ang tambalan nina Ali Sotto at Pat Daza via Ano Sa Palagay N’yo?.

Ito ang bagong morning TV-radio experience na hatid ng NET25, samahan sina Ali at Pat na sagutin ang Ano sa Palagay ‘Nyo?

Ang komentaryo sa umaga na nakasanayan nating dinodomina ng mga lalaking broadcasters ay tatapatan ngayon ng dalawang strong at pretty nanays na may ‘say’ pagdating sa mga usaping importanteng makarating sa sambayanan.

Dala nina Ali at Pat-P ang detalyado at metikolosong pagbusisi sa mga isyung kinakaharap natin ngayon. “Maiparamdam natin na first and foremost, Filipino tayo,” ayon kay Ali. “I want to take it to a softer point of view. Maraming isyu na hindi natin puwedeng palampasin. We have to know what’s happening para at least mayroon tayong kaalaman kung paano natin puwedeng labanan ang mga nangyayari,” saad naman ni Pat-P.

Magiging ‘Very light at naiintindihan ng lahat ng tao’ ang talakayan ‘ika nga nina Ali at Pat-P.

Panoorin ito Lunes hanggang Biyernes, 8:00-10:00 ng umaga, sa NET25 TV, Youtube channel at Facebook page; Radyo Agila 1062 Khz, at Eagle FM 95.5.

Makibahagi sa talakayan! Mapa-tungkol sa politika man iyan, presyo ng bilihin, daloy ng trapiko, o pagtugon sa pandemya, importanteng marinig ang boses ng sambayanan.

Magkomento sa NET25 Official Facebook page, Youtube channel at Twitter account at mag-subscribe sa NET25 Telegram channel para sa updates.

Facebook: NET25, Instagram: @net25tv, Twitter: @net25tv, Telegram: t.me/net25eaglebroadcasting, Youtube: NET25, at Official website: net25.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …