Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sheree nude

Sheree, palaban magbuyangyang ng alindog sa nude painting

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MARAMING pinagkakaabalahan ngayon ang talented na sexy actress na si Sheree. Una na rito ang gagawin niyang pagbabago sa kanyang YouTube Channel. Gagawin niya itong Sheree On Top at gusto niyang mas maging makabuluhan at kapaki-pakinabang sa marami ang content nito. Very soon ay may ilalabas din siyang bagong single.

Sa mga hindi masyadong pamilyar, si Sheree ay mahusay na pole dancer, DJ, songwriter, at magaling na singer na first love talaga ng aktres. Ang isa pa sa tinutututukan niya ay ang pagpipinta. Sa ngayon ay naghahanda si Sheree sa kanyang series of art exhibits.

Katatapos lang din gawin ni Sheree ang pelikulang Deception, starring Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez, directed by Joel Lamangan.  

Kuwento ni Sheree, “Comeback movie nila ito at ang role ko roon ay bestfriend ni Claudine. Actually, ang ganda ng istorya and happy ako, super… na nakatrabaho ko ulit si Direk Joel. Tapos happy pa ako kasi one take, one take ako lagi, hahaha!”

Inusisa rin namin siya kung bakit naka-nude habang pagpe-paint, gaya ng post niya sa kanyang FB? Esplika ni Sheree, “Masayang mag-paint… kasi na-inspire ako, dahil naisip ko lang, ano ba ang difference ko sa ibang painters? Siyempre kapag nagpe-paint ako, ayaw kong masyadong nagdadamit. Kasi nadudumihan ang mga damit ko, hahaha!

“So ang ginagawa ko, usually nagtwo-two piece ako or nag-i-skimpy clothes or ano… Tapos naisip ko lang, bakit hindi natin gawing parang, My body, my art?

Kasi, ang daming gustong mag-paint sa akin ng nude, pero wala pa akong napupusuan. Kasi, ako mismo ang nagpe-paint sa mga artist ng nude, so alam ko iyong pagod na pinagdaraanan nila, nakikita ko iyong effort. So, parang for me to do that, kailangan ay worth it talaga.”

Incidentally, this Saturday, 4pm ay mulingmapapanood si Sheree sa Wish Ko Lang ng GMA-7 sa episode na pinamagatang Lihim Sa Loob Ng Cabinet.Bukod kay Sheree, tampok dito sina Jennica Garcia, Rafael Rosell, Tess Antonio, at Kyle Ocampo, mula sa pamamahala ni Direk Jojo Nadela.

“Masaya ako dahil nakabalik ako for another episode at masaya ako na nag-rate ‘yung last episode namin. Sana ganoon din ito, napakaganda ng istorya nito at intense ‘yung mga eksena ng bawat episode. Napakagaling ng writers ng Wish Ko Lang,” lahad ni Sheree.

Anong klaseng katrabaho sina Rafael at Jennica? “Masaya sila ka-work, very professional. Si Jennica ay very sensitive at that time, pero she managed to pull herself up. Medyo grabe, ang intense ng scenes. Si Rafael Rosell as always, very versatile actor. Kayang-kaya niya ‘yung switch ng character, such a good actor at napakagaan katrabaho. He is a gentleman, pati, would love to work with him again.

“Dahil sa episode na ito ipinasadya ko ‘yung hair ko from Hairshaft Salon. Kasi dapat wig, but I decided na ipa-color ang aking hair para mas makatotohanan,” masayang saad pa ni Sheree.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …