Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kylie Padilla, Aljur Abrenica, AJ Raval

Kylie ok sa relasyong Aljur-AJ — Gusto ko maging masaya siya sa buhay niya

MA at PA
ni Rommel Placente

SA panayam ng Pep.ph kay Kylie Padilla, hiningan siya ng reaksiyon sa pakikipag-date ng ex-husband niyang si Aljur Abrenica kay AJ Raval.

Sabi ni Kylie, ”Alam ninyo, gusto ko lang maging masaya siya sa buhay niya.

“Kasi, siya pa rin ang tatay ng mga anak ko. Kahati ko siya sa pagpapalaki sa kanila.

“And kung nararamdaman ng mga anak ko na hindi masaya ‘yung tatay nila, aba, hindi ko gusto ‘yun.

“Gusto ko maramdaman nila na happy ‘yung tatay nila.”

Ayon pa sa anak ni Robin Padilla, hindi kasalanan ng dalawang anak nila ni Aljur na sina Alas at Axl ang nangyari sa hiwalayan nila. 

“Kasi failure namin as parents ‘yung nangyari, so kailangan na namin bumawi in some other way. Kailangan naming masaya in our own separate ways.

“Para makita nila, buo pa rin sila, ‘kasi happy ‘yung parents ko,’ ganoon pa rin sila. Gusto ko ganoon sila mag-isip.”

Kung si Aljur ay nakikipag-date na kay AJ, si Kylie naman ay hindi pa lumalabas na kasama ang ibang lalaki. Wala pa kasing nagpaparamdam sa kanya.

“Wala pa, eh, marami akong friends, pero wala pa ‘yung gusto akong mai-date. Wala pa.”

Nakatutuwa lang si Kylie dahil kahit hiwalay na sila ni Aljur, ay wini-wish pa rin niya ang kaligayahan nito. Siguro, ay maganda ang naging hiwalayan nila, ‘di ba?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …