Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bobet Vidanes

Direk Bobet may banat sa dahilan ng pag-alis sa It’s Showtime

MA at PA
ni Rommel Placente

SA isang interview ni Bobet Vidanes, sinabi niya na ang isa sa dahilan ng pag-alis niya sa It’s Showtime bilang direktor, ay dahil may mga nagli-leader na sa kanilang noontime show. Na dapat y siya lang ang, since siya ang direktor.

Hindi nagbanggit si Direk Bobet ang pangalan kung sino ang sinasabi niyang mga nagli-leader bukod sa kanya.  

Isa pang ibinulgar ni Direk Bobet, may idinagdag na host sa It’s Showtime na hindi man lang siya sinabihan o in-inform bilang siya nga ang direktor.

Nalaman na lang niya na during the show, ay may bibigyan ng bouquet of flowers, bilang pag-welcome rito bilang additional host ng It’s Showtime. Feeling niya ay na-bypass siya.

Hindi rin binanggit ni Direk Bobet kung sino ‘yung additional host. Pero siguradong si Kim Chiu ang tinutukoy niya. Ang girlfriend kasi ni Xian Lim ang bagong dagdag na host sa It’s Showtime, ‘di ba?

Ano kaya ang magiging sagot ng mga host ng It’s Showtime at ng production staff nito sa rebelasyon ni Direk Bobet? Siguradong si Vice Ganda ay magbibigay ng reaksiyon tungkol dito. Knowing him, ‘di ba? 

Pero dapat lang naman na ibigay din nila ang panig nila at hindi ‘yung panig lang ni Direk Bobet ang narinig o nalalaman ng publiko, ‘di ba?   Magsalita na rin sila dapat sa isyung ibinato sa kanila ni Direk Bobet.  Ipagtanggol nila ang kanilang sarili.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Andrew E 38th Aliw Awards

Andrew E., nagwagi bilang Best Rap Artist sa katatapos na 38th Aliw Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MINSAN pang napatunayan ang husay ng Pinoy rap icon na si Andrew …

Richard Gomez Rene Gacuma

Richard inireklamo nambatok ng PH fencing prexy

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang na-involve si Cong. Richard Gomez sa isyu ng “pisikalang away” …

Vilma Santos Uninvited Kyle Echarri Kaila Estrada Janice de Belen

Uninvited waging-wagi sa Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD sa Best Actress ni Ms Vilma Santos, nanalo rin ang Uninvited ng Best Supporting …

Vilma Santos Gawad Tanglaw

Vilma tinanggap ika-5 pagkilala mula Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGLAMBING sa inyong lingkod si Gov. Vilma Santos-Recto na i-represent siya sa katatapos …

Innervoices Aliw Awards

InnerVoices wagi sa Aliw Awards 2025

MATABILni John Fontanilla  BAGO matapos ang 2025 ay tumanggap ng parangal ang Innervoices bilang Best Group Performer in …