Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Kathniel’s fans hindi konsintidor sa pagiging ‘ingrata’ ng ina ng aktor (Sa paghahain ng CONA ni Karla Estrada)

BULABUGIN
ni Jerry Yap

IBANG klaseng manindigan ang fans ng love team na Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o KathNiel dahil ipinakita nilang hindi sila bulag sa paghanga sa dalawang sikat na aktor ng ABS CBN.

        Nitong Biyernes kasi, 8 Oktubre, huling araw ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng mga tatakbo sa regular na posisyon, at certificate of nomination and acceptance (CONA) naman sa mga nominado sa ilalim ng party-list system.

        Nagkataon na ang aktres na si Karla Estrada, ina ni Daniel, ay humabol sa huling araw ng paghahain ng kanyang CONA bilang nominee ng Tingog Sinirangan partylist na ang kasalukuyang kinatawan ay si Yedda Romualdez, ang kabiyak ni House Majority Floor Leader Ferdinand Martin Romualdez.

        Dito inulan at bumaha sa Twitter ang #WithdrawKarlaEstrada.

Hindi pumabor ang KathNiels sa desisyon ni Karla na maging nominee ng partylist na Tingog Siniringan dahil ang mag-asawang Martin at Yedda ay kabilang sa 70 congressmen na bomoto ng “yes” para ibasura ang franchise renewal ng ABS CBN.  

        Para sa KathNiels, ang ginawang pagtanggap ni Estrada sa nominasyon ng Tingog ay malinaw na ekpresyon ng kawalan ng utang na loob o pagkilala sa tulong na ginawa ng ABS-CBN para i-promote silang mag-ina hanggang muling makabalik sa mainstream sa bahagi ni Karla, at pagsulong naman sa karera ni Daniel bilang matinee idol.

        Hindi ba’t isinama pa nga sa isang pang-umagang programa si Karla ng ABS CBN.

        Isang malaking break ‘yan para sa isang gaya ni Karla na matagal natengga ang career sa showbiz.

        Tsk tsk tsk…

        Kaya naman, bumilib rin tayo sa attitude ng majority ng KathNiels. Sana lang ay tuluyang ibinasura ni Karla ang kanyang CONA.  

        Dapat isaalang-alang ni Karla na sina KathNiel ay talents ng ABS-CBN, at ang pagbasura sa kanilang franchise renewal ay malaking pag-atake sa kalayaan sa pamamahayag.

        Ang #WithdrawKarlaEstrada, ay mabilis na nag-trending sa Twitter na umabot sa top 2 spot.

        Sana’y pakinggan ni Karla ang KathNiels dahil kung hindi wala siyang ibang pagpipilian kundi ang kahihinatnan ng kanyang desisyon.

        Choose wisely, Ms. Karla.


The magic of surveys
PULSE ASIA: MANNY PACQUIAO
TOP 1 SA TRUSTED CANDIDATE/S?

HETO na naman ang “game of mind conditioning” sa pamamagitan ng survey says!

Batay daw sa Pulse Asia Survey nitong Setyembre, lumutang si Senador Manny Pacquiao bilang top 1 sa pinakapinagkakatiwalaan mg mga Filipino sa hanay ng presidential candidates.

Sa tanong na, “In your opinion, who among the following probable presidential candidates will not steal from the government?”

Pinakamarami umano ang sagot na: “Pacquiao.” At sa mga na-interview, 20% ang nagsabing para sa kanila, hindi magnanakaw si Pacquiao.

Sumunod sa kanya si Davao City Mayor Sara Duterte na nakakuha ng 12%. Batay ito sa privately commissioned na rider question ng Pulse Asia survey.

Nakamit umano ni Pacquiao ang most trusted rating dahil sa malinis na imahen at reputasyon. Tumatak din sa isip ng mga tao ang pagiging maka-Diyos ng mambabatas.

Naging ambag din ang kanyang sportsmanlike attitude pagdating sa ring at kababaang-loob, kaya nakuha ang tiwala ng mga nag-response sa survey.

Malaki ang kontribusyon dito ng media photos and videos ni Pacquiao kasama ang ilang world leader tulad ng American presidents na sina President Bill Clinton, President Barak Obama, at noo’y Vice President Joe Biden, gayondin si Prince Harry ng England.

Survey ‘yan noong Setyembre. May lalabas pang mga bagong survey mula sa iba’t ibang survey companies… abangan na lang natin.

Yahoo, yahoo, yahoo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …