Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
NAIA Philippine Flag War Mode

Bandilang Pinoy binaliktad sa ‘war mode’ lalaki inaresto (Sa NAIA T3)

DINAKIP ng mga airport police mula sa Manila International Airport Authority (MIAA) ang isang 27-anyos lalaki na nakitang nagbaliktad ng bandila ng Filipinas sa parking area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 nitong Linggo ng umaga, 10 Oktubre.

Sa ulat na nakarating kay Col. Andrian Tecson, hepe ng Airport Police Department, kinilala ang suspek na si Jay-ar Beril, ng Bautista Compound, Alabang, lungsod ng Muntinglupa, at tubong Zamboanga del Norte.

Inaresto si Beril sa paglabag sa Section 34 Paragraph A kaugnay sa Section 10 ng RA 8491 (act of prescribing the code of the national flag, Anthem, Motto, Coat-of Arms and other heraldic items and devices of the Philippines) at Article 287 Paragraph 2 (unjust vexation of the Revised Penal Code of the Philippines).

Ani Col. Tecson, dakong 9:30 am kamakalawa nang ibinaba ng suspek ang bandilang nasa flag pole sa parking area ng NAIA terminal 3 saka niya ito binaligtad na ang pulang bahagi ang nasa taas saka muling itinaas.

Agad itong napansin ng mga pulis sa paliparan at ilang mga taong dumaraan dahil ang flag pole ay may taas na 50 hanggang 60 talampakan.

Sa paunang imbestigasyon na isinagawa nina APO2 Geoffrey Camaruan at APOI Allan Noche ng terminal 3 police station, nabatid na nakuwelyohan si Beril malapit sa Skyway ng terminal 3 matapos nitong tumakas mula sa pinangyarihan ng insidente.

Lumabas din sa imbestigasyon na habang nakatayo si Cpl. Obel malapit sa flag pole sa Open Parking B Area, NAIA T3, at naghihintay sa pagdating ng kanyang kasama, nakita niya umano ang suspek na ibinababa ang watawat at nang sumayad ito sa lupa, ibinalik niya ito at muling itinaas ngunit baliktad na at pula ang nasa itaas na bahagi nito.

Dito kinomprnta ni Cpl. Obel ang suspek ngunit tumakbo palayo si Beril.

Iniulat ni Cpl. Obel ang insidente sa guwardiyang naka-duty na si AVSEC Cabildo saka nila hinabol si Beril sa tulong ng iba pang airport police at iba pang AVSEC guard hanggang maabutan at makorner malapit sa Skyway.

“Ayaw po sumagot nang matino sa mga tanong namin,” pahayag ng mga imbestigador.

Nitong Lunes, 11 Oktubre, isinailalim ang suspek sa inquest dakong 11:45 am sa pamamagitan ng online proceedings sa pangangasiwa ni Pasay City Fiscal Clemente Villanueva, sa presensiya ni Atty. Hector Mayel Macapagal, abogado mula sa PAO.

Pansamantalang nakapiit si Berul sa PIID Detention Cell habang hinihintay ang paglabas ng Inquest Resolution sa kasong hawak ni APO1 Shiena Domingo. (JSY)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …