MULING nagpakilig si Alden Richards matapos kumalat sa social media ang kanyang recent photo na kuha mula sa lock-in taping ng GMA primetime series na The World Between Us.
Mala-CEO ang dating ni Alden na suot ang blue suit and pants, na idinisenyo ng fashion designer na si Paulo Lazaro, habang nakaupo sa hood ng Mercedes Benz
Ayon sa Twitter user na si @YammyCurls, ”lakas maka-business tycoon [ni] @aldenrichards02 aka Louie Asuncion, looked rich, sharp & ready to conquer the world.”
Para naman kay @iam_evs, may hawig si Alden sa Korean actor na si Song Joong-ki nang gumanap ito sa titular role na Vincenzo.
Dahil sa pogi shot ni Alden, nag-trend pa ang #AldenRichards at #TheWorldBetweeenUs sa Twitter noong Linggo, October 10.
Tumutok sa GMANetwork.com para sa iba pang updates tungkol sa The World Between Us na magbabalik sa ere sa Nobyembre 15.
Bukod kay Alden (bilang Louie Asuncion), tampok din dito sina Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez at sina Dina Bonnevie at Ms. Jaclyn Jose.
May mahahalagang papel din ditto sina Sid Lucero, Kelley Day, Yana Asistio, Jericho Arceo, at Donn Boco.
Ang The World Between Us ay idinidirehe ni Dominic Zapata.
(ROMMEL GONZALES)