Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Oras na… There will be an answer Leni be

BULABUGIN
ni Jerry Yap

‘YAN po ang bumaha sa newsfeed ng inyong lingkod kahapon.

                Kasunod nito, nagsalimbayan na ang mga bagay na kulay mapusyaw na rosas sa social media.

                Nagdesisyon na kasi si Vice President Leni Robredo na pumasok sa karerang pampangulohan sa darating na Mayo 2022.

                Kumbaga, umarangkada na!

                Sabi ng iba, ‘e sa pinagkahaba-haba raw ng pagdi-dilly dally ni Madam Leni, sa Sofitel din pala siya dederetso.

                Ang presidential race sa May 2022 ay lalabas na rematch sa pagitan nina VP Leni at ang tinalong si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

                Parang boksing lang — may rematch… he he he.

                Muling magtutunggali ang dalawa pero sa mas mataas na posisyon na.

                Alam nating kapwa may solid supporters sina VP Leni at dating senador Bongbong, kaya ang dapat na lang nilang ligawan ay ‘yung tinatawag na ‘silent majority.’

                Kung sino ang makatutumbok no’n sa dalawang presidential aspirants, tiyak na siya ang may tsansang magwagi.

                Pansamantala, mag-aliw muna tayo sa balitaktakan ng kani-kanilang supporters sa social media.

                Sa sabong, sa pula, sa puti. Sa Mayo 2022, sa mapusyaw na rosas ba o sa lumang rosas.

                Ang tanong lang, ganoon din kaya ang lalabas sa ‘tawas’ ng Smartmatic?


BERDE SASALIPAWPAW
AT LULUTANG SA SOFITEL

MAINGAY ang bulungan kahapon sa iba’t ibang ‘grapevines’ na may lulutang umanong berde o ‘luntian’ para makipagsabayan sa mapusyaw na rosas, lumang rosas, sa puti at bughaw, at sa iba pa.

                May nagsabi pang titiklop ang puti at bughaw, upang magparaya sa berde.

                Tiyak na maraming mag-aabang.

                Pero palagay natin ay may isang salita ang nagbabandila ng kulay berde. Nagsalita na siya at pumosisyon… hindi siya papalaot sa iiwanang puwesto ng erpat.

                Pero sabi nga, hangga’t hindi natatapos ang a-8 ng Oktubre at ang a-15 ng Nobyembre… marami pang puwedeng mangyari.

                Kumbaga hindi pa matining ang sitwasyon, at hindi pa klaro kung gaano katikas ang mga kabayo.

                Mas maraming presidential aspirants ay mas pabor sa mga kandidatong may solidong puwersa ng mga tagasuporta lalo na kung kabungguang balikat pa ang mga ‘smart’ at ‘may atik.’

                And there they go…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …