Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Helen Gamboa, Tito Sotto

Tito Sen dalawang beses pinakasalan si Helen

SA tsikahan na naganap with Senator Tito Sotto with his press friends, hinanap agad siyempre ang better-half niyang si Tita Helen Gamboa. Na marami nga eh, nakaka-miss na sa mga lutuing-bahay nito.

But that moment, sa Zoom, kulang pa nga ang oras sa kumustahan sa ka-trio ng TVJ (with Vic Sotto and Joey de Leon) sa mga plano niya ngayon sa buhay. Lalo at balita na ang pagtakbo niya katuwang si Senator Ping Lacson sa pagka-Bise at Presidente, respectively.

Wala namang ginagawa ngayon si Tita Helen dahil na rin sa advice ng doktor niya. 

“Maraming offer sa kanya para mag-teleserye. Pero bukod sa alam niyo naman kung gaano karubdob ‘yun mag-drama, hindi niya kakayanin ngayon ang bagong setup. ‘Yung lock-in. At saka matagal kasi ‘yun, ‘di ba? Hindi naman one week lang. Ako, ayoko rin.”

Kung may dapat mga sigurong idolohin pagdating sa relasyon at mahabang pagsasama, ang magse-celebrate na ng kanilang 52nd wedding anniversary ang dapat tingalain.

Naniniwala kasi si Tito Sen na kahit ano pa ang mangyari, dapat na inilalagay sa pedestal ang misis niya. Dalawang beses nga niyang hiniling sa Diyos ang kanyang misis. Ikinasal sila noong 1969 at noong 1971.

At bukas na aklat na kung paano niyang itinakas at itinanan mula sa mahigpit na Gestapo (ang term of endearment niya sa Mama ni Tita Helen) ang ngayon ay ina na nina Apples, Lala, Ciara, at Gian.

Halos araw-araw na napapanood sa balita ang Senate President sa mga pagdinig sa mga isyu na kinakaharap ang bansa.

Sa partnership nila ni Senator Ping, naniniwala naman si Tito Sen na hindi sila mabubuhay sa pangako lang kundi aksiyon sa  mga pinag-aralan na nilang dapat na maibahagi sa buong sambayanan.

Sana nga, ang lahat ay patungo sa direksiyong ikabubuti ng kalusugan, edukasyon, at katayuan ng kabuhayan ng bawat mamamayan.

Ano sa tingin mo, Janus!?

(PILAR MATEO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Andrew E 38th Aliw Awards

Andrew E., nagwagi bilang Best Rap Artist sa katatapos na 38th Aliw Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MINSAN pang napatunayan ang husay ng Pinoy rap icon na si Andrew …

Richard Gomez Rene Gacuma

Richard inireklamo nambatok ng PH fencing prexy

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang na-involve si Cong. Richard Gomez sa isyu ng “pisikalang away” …

Vilma Santos Uninvited Kyle Echarri Kaila Estrada Janice de Belen

Uninvited waging-wagi sa Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD sa Best Actress ni Ms Vilma Santos, nanalo rin ang Uninvited ng Best Supporting …

Vilma Santos Gawad Tanglaw

Vilma tinanggap ika-5 pagkilala mula Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGLAMBING sa inyong lingkod si Gov. Vilma Santos-Recto na i-represent siya sa katatapos …

Innervoices Aliw Awards

InnerVoices wagi sa Aliw Awards 2025

MATABILni John Fontanilla  BAGO matapos ang 2025 ay tumanggap ng parangal ang Innervoices bilang Best Group Performer in …