Wednesday , March 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angel Locsin, Jane de Leon, Liza Soberano

Paglipad ni Darna matuloy na kaya?

HATAWAN
ni Ed de Leon

TOTOO na kayang matutuloy iyang Darna, na noon ay pelikula at ngayon ay TV series na pala, na ilalabas sa cable at sa blocktime sa ibang channels, dahil wala pa ngang franchise ang ABS-CBN, at depende pa sa mangyayari sa 2022 kung makababalik ba sila talaga o hindi? Wala man si Presidente Digong na galit sa kanila, eh paano na ang mga congressmen na sinabihan nilang hindi dapat iboto dahil ipinagkait sa kanila ang franchise nila, paano kung makabalik pa rin ang mga iyon sa house?

Iyang seryeng iyan ay nagsimula nang napakalaking plano. Originally si Angel Locsin ang Darna na kung iisipin mo at that time ay talagang perfect. Pero nagkaroon ng problema sa spinal column si Angel, at kahit na naoperahan at nagpagamot sa Singapore, hindi na nga raw makapag-a-action dahil delikado.

Tapos si Liza Soberano naman, na kung titingnan mo perfect ding Darna dahil mukhang super hero talaga. Kaso nabalian naman ng daliri sa taping noong ginagawa niya iyong Bagani. Matagal ding nagpagamot hanggang sa lumabas na hindi na raw puwede.

Bagsak sila sa baguhang si Jane de Leon, na hindi pa kilala. Kaya inilagay muna nila sa ibang projects para makilala ng kaunti bago isabak sa magastos na proyektong Darna.

Ganoon din naman ang mga director. Ilang taon ang pag-aaral at paghahandang ginawa ni Erik Matti, at ang napakaraming interview sa kanya tungkol sa Darna, na kalaunan nagkaroon ng problema at napalitan siya. Sumunod si Jerold Tarog, na nagsimula na ring magplano kung paano niya paliliparin ang kanyang bida, na nainip na yata sa tagal ng paghihintay kaya umatras na rin.

Ngayon ang kilalang drama director na si Chito Rono na ang gagawa ng Darna. Aba eh baka kahit bawal pa, kailangang lumakad sila nang paluhod sa Baclaran para matuloy na iyang project na iyan. Ilang taon na iyan eh, hindi matuloy-tuloy. Noon may nagsasabi pa ngang basta aalukin siyang mag-Darna tatanggihan na niya kasi lahat ng alukin ng role napipilayan. Iyong director naman hindi na dapat magkuwento, dahil oras na magkuwento siya kung ano ang plano niya hindi na natutuloy.

May nagsasabi ngang baka naman masamang pangitain na iyan. Sa halip na maulit ang ”lipad, Darna, lipad” ay maging ”gapang, Darna, gapang.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Maya Maris Racal Julia Barretto

Julia at Maris ipinakita kung gaano kabilis mag-Loan sa Maya

KUNG napanood mo sina Julia Barretto at Maris Racal sa kasalukuyang Maya video na nagsasampalan ng pera, alam mo na kaya …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …

Jean Garcia

Jean Garcia kaagapay ng RDR Prod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus INANUNSIYO ng RDR Productions, gumagawa ng mga film, socmed stories, at ilan pang …

Ron Angeles

Ron Angeles bukod tanging tahimik kaugnay ng ‘eskandalo’ 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD tanging si Ron Angeles na lang among the “big four” na nasangkot …

Arron Villaflor

Arron Villaflor nagsalita ukol sa leaked video, nagpakalat kakasuhan

HARD TALKni Pilar Mateo NAGSALITA na sa kanyang Instagram account ang aktor na si Arron Villaflor hinggil sa sinasabing  …