Friday , April 18 2025
Carla Abellana, Max Collins, Valeen Montenegro, bachelor party

Carla nanindigan, ‘di siya nagpa-party

HATAWAN
ni Ed de Leon

BAGAMAT bawal na bawal, mapipigilan mo nga ba ang isang babaeng napakaraming kaibigan na hindi magkaroon ng isang bachelorette party kung siya ay ikakasal na, sukdulang ipagbawal pa iyon ng mga matatatanda?

Hindi naman daw party ang ginawa nila, sabi ng ikakasal nang si Carla Abellana. Walang dahilan para talakan sila ng IATF at ni Harry Roque. Wala pa raw sampu ang mga kaibigan niyang dumating. Lahat sila ay sumailalim sa antigen test, bukod pa nga sa lahat sila ay ”certified” na bakunado, iyong iba nga lang, bakunang gawang China rin ang naisaksak. Bukod doon lahat sila ay naka-face mask, ginanap iyon sa isang open air venue at hindi naman napakatagal ng get together.

Nag-iingat din sila dahil kahit na may bakuna ka, tatablan ka pa rin ng Covid. Kahit na magpa-test ka hindi ka siguradong tama ang resulta. Paano kung expired na pala ang naipan-test sa iyo na binili sa kompanya ng mga Intsik?

Pero alam ba ninyo kami, bumibili kami sa mga matitinong Chinese, lalo na ng aming pagkain. Maraming matinong Chinese na tumulong pa ngang bumili ng bakuna sa Covid. Kung may mga Chinese mang mapagsamantala, tanungin ninyo baka naman kasabwat ng ”napagsamantalahan.”

About Ed de Leon

Check Also

Nora Aunor

Nora Aunor pumanaw na sa edad 71

PUMANAW na ngayong araw ang National Artist for Film and Broadcast Arts, Superstar Nora Aunor. Siya ay 71 …

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine sinopla ang isang netizen

MATABILni John Fontanilla HINDI napigilang sagutin at patulan ni Nadine Lustre ang isang  netizen na nagkomento sa …

ER Ejercito Comelec

Overspending case ni dating Laguna Gob ER Ejercito ibinasura na ng Comelec En Banc

DINISMIS na sa wakas matapos ang 12 taon ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang kasong …

MTRCB

Paalala ng MTRCB sa mga PUV Operators: “G” at “PG” na palabas lang sa bawat biyahe

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio Sa pagdagsa ng mga biyahero ngayong Semana Santa, muling nagpaalala ang …

Holy Week Cross Semana Santa

Have a blessed Holy Week 

I-FLEXni Jun Nardo PAHINGA muna tayo Hataw readers ngayong Holy Thursday hanggang Saturday. Sa Sunday na eh …