MA at PA
ni Rommel Placente
ANG sikat na awitin ni Andrew E na naging TikTok trend na Shoot! Shoot! Di Kita Titigilan ay isa nang Vivamax original movie. Si Andrew E. rin ang bida sa nasabing pelikula. Dalawa ang leading ladies niya rito, ang mga seksi at kalog na Vivamax Goddesses na sina AJ Raval at Sunshine Guimary. Mula ito sa direksiyon ni Al Tantay.
Ang Shoot! Shoot! ay isang sexy-comedy film. Nauuso na ulit ang mga ganitong klase ng pelikula. Ano sa tingin nina Andrew, AJ, at Sunshine ang dahilan at nagti-trending o bumabalik ang pagkahilig ng mga tao sa mga sexy-comedy film?
Sabi ni Andrew, ”No. 1, may malaking bidang salita na na-create noong pandemic, and that is boredom. Dahil na-restrict ang lahat ng galaw ng mga tao, so boredom ang na-create, na parang pinaka-scenario sa lahat, kundi man sa karamihan.
“Kaya roon sa boredom na ‘yun, eh, naghanap ng flavoring (ang mga tao) kung paano sila mai-entertain kahit nasa bahay sila. ‘Di ba, nauso at lumakas ‘yung Netflix? Sa ibang bansa naman, ‘yung iba-ibang mga streaming.
“So, sa Pilipinas, ganoon din, hinanap din ‘yung flavor na ‘yan. Kaya nagkataon, itong ating mahal na company na Viva, ay nakagawa o naka-create ng ganoong ability to cure that boredom sa ating mga Filipino. And that’s started it all.”
Sabi naman ni Sunshine, ”Siguro sa akin,’yung reason, lahat ng tao naka-cellphone na, kahit anong oras compared before na wala pang social media at all.
“Ngayon kasi, parang ‘di ba. lahat, mapa-bata, may edad, anong gender ka pa, lahat nakatutok sa cellphone?
“Siguro ‘yun ‘yung nakita ng Viva na advantage o idea, kaya ginawa nila ‘tong ganitong platform.”
Sinegundahan naman ni AJ ang sinabi ni Sunshine. Sabi niya,”’Yun pong sinabi ni Ate Sunshine, tama po ‘yun. Lahat po ng tao, may cellphone na po, may internet. Lalo na po ngayong parahon ng pandemya, lockdown, walang ibang pinagkakaabalahan ‘yung mga tao, nasa bahay lang po. Siguro po, roon po siya naging trend. Ayun din po ‘yung advantage siguro ng pandemya ngayon, kung titingnan po natin sa positive side. Kaya po siguro nag-trending ‘yung nga ganitong klase ng movie, bumabalik po.”
Kung ibang mga tao ay nagugustuhan o nag-e-enjoy sa mga sexy comedy films, mayroon din naman ang hindi. Ano ang reaksiyon nila sa mga nababastusan sa mga ganitong klase ng palabas?
“Ang reaksiyon ko po sa mga nababastusan, to be honest, wala po akong reaksiyon. Wala po akong pakialam sa mga negative comment. Basta focus lang po ako sa mga positive comment,” sagot ni AJ.
“Sa mga nagko-comment na bastos ‘yung mga sexy film, masasabi ko naman na itong pelikula namin ay hindi kabastos-bastos. Hindi nila makikita ‘yung sinasabi sa movie na shoot shoot, kundi good vibes, katuwaan lang. Kahit paano ma-lift man lang ‘yung sadness ng mga tao ngayong pandemya. Panoorin nila ‘yung pelikula namin, para sila na ang makapagsasabi na hindi talaga bastos ang ‘Shoot! Shoot!’ at talagang mag-i-enjoy sila rito,” sagot naman ni Sunshine.
“Ang mga tao naman, malayang sabihin kung ano ang gusto nilang sabihin, kung anong gusto nilang i-comment. Pero ako, naniniwala na hindi naman sila nababastusan sa mga sexy-comedy films na ginagawa ko. In fact, nati-turn-on pa nga sila sa akin,” sabi naman ni Andrew na natatawa.
Huwag palalampasin sa October 8, Shoot! Shoot! Di Ko Siya Titigilan! streaming online sa Vivamax.
Maaaring mag-stream ng Vivamax sa web.vivamax.net. Mag-download na din ng app at mag-subscribe via Google Play Store, App Store at Huawei AppGallery.