Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Albert Martinez, Faith da Silva

Faith kay Albert: Maalaga siya, komportable ako sa kanya

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

PARANG nauuso na talaga sa Pinoy showbiz ang May-December relationship. Umamin na sina Maris Racal at Rico Blanco. Wala namang balitang nagkasira na sina RK Bagatsing at dating child star na si Jane Oineza. Higit na mas bata rin si Jane kay RK. 

Matindi ang suspetsa naming may nabubuo ng relasyon sina Faith da Silva, 20, at Albert Martinez. Hindi pa lang sila handang aminin ang katotohanan. 

Kasi kung wala naman talaga, malutong na sabihin na lang na wala talaga dahil ‘di naman makaaapekto sa kung anumang project nila ang ganoong pag-amin. Sa mga pelikula lang ng young stars umaasa ang youth viewers na may relasyon din sa tunay na buhay ang lead stars ng pelikula. Pang-adult ang mga proyektong pinagtatambalan nina Faith at Albert, gaya ng Las Hermanas. 

Pa-professional na sagot ni Faith: ”Napag-usapan namin pero in passing lang. Hindi siya ‘yung seryosohan talaga. Parang pinagbibiru-biruan lang namin. Tuksu-tuksuhan lang. Para sa aming dalawa kasi, professional lamang lahat. Walang ilangan.”

Pero may pahiging din naman ang dalaga tungkol sa nagaganap sa kanila ng biyudong si Albert. 

Lahad pa ni Faith: ”Iba ‘yung relationship namin together. Komportable kami sa isa’t isa.

“Masaya ako na nakilala ko siya in a deeper level. He was really there to support me and guide me.

“Maalaga kasi talaga siya and very grateful ako na ‘yung side na ‘yun of him, eh, nakita ko dahil hindi ko ine-expect na isang beteranong aktor, eh, ganoon makitungo sa akin.”

Nang tanungin kung posibleng magmahal siya ng lalaking mas matanda sa kanya, makahulugan ang sagot ni Faith.

Aniya, ”For me, walang edad na pinipili ang pagmamahal. Basta maramdaman mo na totoo ‘yung nararamdaman mo sa tao.

“Regardless of the age, kahit anong bagay ‘yan, basta mahal ninyo ang isa’t isa, wala kayong tinatapakang tao, eh, go lang ‘yan!”

Isinilang si Albert noong April 19, 1961.

April 29, 2001 naman ang birthday ni Faith, na may malaking pagkakahawig kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at nangangarap ding maging beauty queen sa tamang panahon.

Sinabi ni Faith na napag-usapan nila ni Albert ang mga tsismis tungkol sa kanila pero hindi ito seryoso.

Lahad ng Kapuso newcomer, ”Nag-usap kami. Napag-usapan namin pero in passing lang.

“Hindi siya yung seryosohan talaga. Parang pinagbibiru-biruan lang namin. Tuksu-tuksuhan lang.

“Para sa aming dalawa kasi, professional lamang lahat. Walang ilangan.

“The fact na nakikita ng mga tao na okay ang chemistry namin together, I think ‘yun ang mas importante sa amin.”

Matunog na “Direk Albert” ang tawag ni Faith sa veteran actor.

Biyudo na si Albert dahil pumanaw ang kanyang misis na si Liezl Martinez noong March 14, 2015. Malayang-malaya si Albert para muling magmahal at makipagrelasyon.

Mula noong kilalanin si Albert bilang serious actor, hindi na kinakalkal at kinakapital ang personal lovelife n’ya. May mga masalimuot ding relasyon noon si Albert. Tuloy-tuloy pa rin ang reputasyon n’ya bilang seryoso at nirerespetong aktor, kaya kung totoo mang may nabubuo ng relasyon sa kanila ni Faith, bakit n’ya ipakakalkal ‘yon at mababoy ang estado n’ya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Joseph Marco Rhen Escaño My Husband is a Mafia Boss

Joseph Marco at Rhen Escaño bibida sa My Husband is a Mafia Boss

HINDI nauubos ang mga kapana-panabik na handog ng Viva One para sa mga loyal viewer at Wattpadseries enjoyers. …

SSR Shake Rattle and Roll Evil Origins

Shake, Rattle &Roll: Evil Origins tumabo ng mahigit P110-M sa takilya, palabas pa sa mahigit 100 sinehan

NA-BREAK na ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins ang P100-M mark sa isinasagawang Metro Manila Film Festival …

CoJ Cup of Joe Stardust

Cup of Joe’s Stardust int’l leg kasado na

I-FLEXni Jun Nardo KASADO na ang Stardust international tour ng multi-awarded record breaking band na Cup of Joe. …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …