Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Guimary, Diego Loyzaga, Cindy Miranda, Mark Anthony Fernandez, Marco Gomez, house tour

Sunshine tanggap na ‘di makakawala sa pagpapa-sexy

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADO si Direk Roman Perez na hindi mawawala ang pa-sexy sa kanyang mga pelikula. Tulad ng mga naidirehe niyang pelikula sa Viva Films, ang Adan (2018), The Housemaid (2021), at Taya (2021), may sexy scenes din ang House Tour kahit sabihin pang ito ay isang heist thriller movie na pinagbibidahan nina Cindy Miranda, Diego Loyzaga, Sunshine Guimary, Mark Anthony Fernandez, at Marco Gomez.

Cindy Miranda, Sunshine Guimary, House Tour

‘Ika nga ni Direk Roman sa virtual media conference ng House Tour, matindi ang sexual tension sa mga role na ginagampana n nina Cindy at Sunshine kaya importanteng mga sexy scene. ”Napaka-importante siyempre, it’s a romantic serious film, importanteng may sexy, hindi joke lang, joke lang po,” panimula ni Direk Roman.

Sunshine Guimary

Ang pelikula ay tila all about money heist na may patayan at matitindi  ang eksena. Kaya natanong ang director kung bakit kailangan pang lagyan ng pa-sexy ang pelikula.

Cindy Miranda, house tour

“Napaka-importante po lalo na sa character nina Sunshine at Cindy. Ang character ni Cindy ay isang jologs na magnanakaw na wannabe na gagawin talaga ang lahat para matupad lang ang mga pangarap na tulungan ang pamilya. Kaya rin siya na-involve sa gang ni Mark Anthony. May sexual tension between sa loob ng gang na napaka-importante na hindi ko ikukuwento kung bakit.

Diego Loyzaga, house tour

“And doon sa character ni Gabby ang turning point ng pelikula, kasi napakalaki ng sexual conflict kaya humantong ang housetour sa isang heist movie,” paglalahad ni Direk.

Mark Anthony Fernandez, house tour

Inamin din ng director na mahirap i-ignore ang kaseksihan nina Sunshine at Cindy. ”Silang dalawa mahirap gumawa ng romcom para sa kanila, sayang ang pelikula. Meaning ang ganda pong vehicle nito para gumawa ng ganitong experimental heist film na medyo sexy-thriller.”

Marco Gomez, house tour

Sinabi naman ni Sunshine na hindi na talaga siya makakawala sa paggawa ng sexy movies.

Hindi na talaga mawawala sa akin ang sexy, kaya ang challenge sa akin, walang pelikula na hindi ako puwedeng hindi maghubad. Parang requirements na `yon, na ‘pag may movie ko, dapat maghubad ako,” sabi ni Sunshine.

Sunshine Guimary, house tour

“Basta ako, ibinibigay ko lang kung ano ang kailangan!!” dagdag pa tinaguriang braless vlogger.

Sinabi naman ni Cindy na basta movie ni Direk Roman automatic na  may sexy scene talaga.

Cindy Miranda, house tour 2

“Pero sana ang mga tao, kahit nakilala kaming mga sexy actress, sana makita rin nila ang kakayahan namin sa pag-arte,”sambit pa ni Cindy.

Kasama rin sa pelikula sina Rafa Siguion-Reyna, Chad Kinis, Abby Bautista, Juliana Parizcova Segovia, Jeffrey Hidaldgo, Jobelyn Manuel, Liz Alindogan, Raquel Monteza, Angie Castrence, at Jim Pebanco. Mapapanood na ito sa October 22 sa Vivamax.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …