Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ariella Arida, Lassy Marquez 

Lassy Marquez nandiri kay Ariella Arida

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SI Lassy Marquez pa pala ang tila nagdalawang isip o tila nandiri nang sabihin ni Direk Darryl Yap na may eksena sila sa Sarap Mong Patayin ng Viva Films na mapapanood na sa Vivamax simula October 15 na halikan ni Ariella Arida.

Sa virtual media conference, inamin ni Lassy na na-shock siya nang sabihin ni Direk Darryl ang ukol sa eksena.

“Ako talaga ang nag-yuck! Ha-hahaha!

“Kasi naman siyempre, bading ako, tapos babae, beauty queen hahalikan ko! Kadiri, ‘di ba? Sabi ko nga, ito na yata ang pinakamarumi, pinakamalansang pelikula na nagawa ko. Napakarumi talaga.

“Feeling ko nga, dapat dinala siya sa hospital after ng halikan namin!” natatawang paliwanag ni Lassy.

Kabaliktaran naman ang reaksiyon ni Ariella dahil umoo agad ito nang banggitin ang ukol sa kissing scene nila ni Lassy.

“Unang kita pa lang namin ni Lassy, ‘yun agad ang pinag-usapan namin. Sabi ko, ‘Hahalikan kita?’ Siya pa ‘yung parang nagdadalawang-isip,” kuwento ni Ariella.

“Ang ginawa ko, tinitingnan ko na lang siya every day kapag magkasama kami sa set para talagang matanggap ko na ito ‘yung hahalikan ko,” sambit pa ng beauty queen.

Natanong si Lassy kung anong paghahanda ang ginawa niya sa naturang kissing scene. Nasabi nitong hindi naman niya pinaghandaan, katunayan, hindi nga raw siya nag-toothbrush.

“Kung sabi ni Lassy, hindi siya nag-toothbrush, okay lang. Nahalikan naman niya ‘yung sipon ko. ‘Yun ang ganti ko. Ha-hahaha!” tawang-tawang sagot ni Ariella.

Sa kabilang banda, Ang Sarap Mong Patayin  ay ukol sa “catfishing” na ang ibig sabihin ay ang paggamit ng ibang imahe sa social media para makapanloko ng tao at makuha ang mga gusto nila. Na kapag hinaluan pa ng droga ang panlolokong ito, tiyak malaking pinsala sa lahat ng sangkot.

Ang Sarap Mong Patayin ay likha at idinirehe ni Darryl na magbibigay sa mga manonood ng iba’t ibang emosyon. Ang takbo ng kuwento at bawat karakter ay magdudulot ng takot, pero dahil nga kay Lassy, na miyembro ng nakaaaliw na Beks Battalion, hindi rin mawawala ang tawanan. Ito ay malaking break para sa kanya na madalas kasama sa pelikula ni Vice Ganda.

Kasama rin dito si Kit Thompson na tiyak na maraming beki ang maiinggit kay Lassy dahil ‘naisahan’ niya ang poging actor.

Streaming na sa Vivamax ang Sarap Mong Patayin simula Oct. 15.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …