Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carlo Aquino, squid game

Carlo Aquino kasama sana sa Squid Game

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

ALAM n’yo bang tinanggap si Carlo Aquino last year para maging miyembro ng cast ng ngayon ay sikat na sikat ng Korean survival drama Squid Game

Ito ay ayon mismo sa aktor na sa isang Instagram kamakailan na may inilabas na hand-written note mula kay Hwang Dong-hyuk, writer-director ng Squid Game.  

“Dear Carlo, Thank you for your efforts. Looking forward to working with you in the near future,” sabi ni Hwang sa liham.

“This was supposedly a role for #Squid Game,” caption naman ni Carlo sa larawan ng hand-written note. 

Ayon naman sa Instagram ni Beatrice Candaza, sister ng live-in partner ng aktor na si Trina, ‘di nakapunta sa South Korea si Carlo dahil sa pagbabawal na lumabas ng bansa noong panahong dapat na siyang pumunta sa South Korea. Isasama n’ya si Trina at ang kanilang anak. 

Nakapagpaalam na nga si Trina sa kapatid n’ya na ilang buwan din silang mananatili sa South Korea. 

Nang ‘di natuloy ang biyahe ng pamilya, sinabihan naman sila ni Beatrice na: ”I’m sure there would be more opportunities.” 

On the other hand, Trina showed support for her longtime boyfriend and father of her daughter.

“I’m still proud of you @jose_liwanag! Isipin ko na lang ikaw si Ali,” mensahe naman ni Trina kay Carlo. ‘Yung binanggit ni Trina na “Ali” ay ang pangalan ng charater na sana ay gagampanan ni Carlo. Ang “Jose Liwanag” ay ang totoong pangalan ni Carlo. 

Ang alam ni Carlo ay ‘yung role na napunta kay Anupam Tripathi ang gagampanan n’ya.

Nag-audition din si Chris Lagahikan para sa nasabing role. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Andrew E 38th Aliw Awards

Andrew E., nagwagi bilang Best Rap Artist sa katatapos na 38th Aliw Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MINSAN pang napatunayan ang husay ng Pinoy rap icon na si Andrew …

Richard Gomez Rene Gacuma

Richard inireklamo nambatok ng PH fencing prexy

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang na-involve si Cong. Richard Gomez sa isyu ng “pisikalang away” …

Vilma Santos Uninvited Kyle Echarri Kaila Estrada Janice de Belen

Uninvited waging-wagi sa Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD sa Best Actress ni Ms Vilma Santos, nanalo rin ang Uninvited ng Best Supporting …

Vilma Santos Gawad Tanglaw

Vilma tinanggap ika-5 pagkilala mula Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGLAMBING sa inyong lingkod si Gov. Vilma Santos-Recto na i-represent siya sa katatapos …

Innervoices Aliw Awards

InnerVoices wagi sa Aliw Awards 2025

MATABILni John Fontanilla  BAGO matapos ang 2025 ay tumanggap ng parangal ang Innervoices bilang Best Group Performer in …