Friday , April 4 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

P140-K bill sa Covid-19 case, Philhealth ayaw tanggapin ng Metropolitan Hospital?

BULABUGIN
ni Jerry Yap

LABIS na nagtataka ang mga kaanak ng isang CoVid-19 patient sa Metropolitan Hospital kung bakit ayaw kilalanin ng nasabing ospital ang pagiging member ng pasyente sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), na umabot sa P140,000 ang hospital bill.

Hanggang ngayon nagtatanong sila, ano ang dahilan bakit ayaw ng ospital na kilalanin ang PhilHealth ng pasyente?!

Hindi ba nagbabayad ang PhilHealth sa Metropolitan Hospital, kaya tinatanggihan nila ito?!

O dahil naideklara nilang may CoVid-19 ang pasyente pero P140,000 lamang ang tinakbo ng bill at hindi nila makukuha ang P700,000 inilalaan ng PhilHealth sa bawat CoVid-19 patient?

Marami tuloy ang lumalabas na espekulasyon sa ginawa ng Metropolitan Hospital.

Sana’y maipaliwanag ito ng pamunuan ng ospital kung bakit ayaw nilang tanggapin ang PhilHealth ng pasyente gayong malaking tulong ito sa isang taong sinalanta ng pandemya.

Magpaliwanag kayo!   


AANHIN PA’NG ‘DAMO’
‘este ANG RA 11590
KUNG SUMIBAT NA
ANG MGA POGO?

MAY silbi pa ba ang Republic Act 11590 (An Act Taxing POGOs) na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panahong ito na halos karamihan ng Philippine offshore gaming operators ay sumibat na sa bansa?!

Hindi ba’t mismong sa ulat ng Commission on Audit (COA) nabatid na P1.3 bilyones ang ‘pinakawalang buwis’ ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) dahil hindi nito nahabol ‘yung 15 POGOs?!

‘Yung utang ng 15 POGOs ay tatlong taon nang overdue pero parang tinulugan lang daw ng PAGCOR.

Sa panahong ito, maraming POGO ang umalis na sa bansa, at ang tanging namamayagpag na lang ngayon ay ang POGO king na si Kim Wong.

E para saan pa ang POGO law na pinirmahan ni Pangulong Duterte?!

Kumbaga osla na ang POGO, at may bagong online gaming nang naiimbento ang IT experts na may ibang scheme kaya baka ‘paso’ na ang  batas na ‘yan.

Too late the hero, Mr. President.

Aanhin pa ang damo kung sumibat na ang kabayo?!

In short, tuluyan nang natakasan ng P1.3 bilyong buwis  ang Rumba Queen ng PAGCOR.

Tsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

DDS magpapauto ba kay Imee?

SIPATni Mat Vicencio DESPERADO na si Senator Imee Marcos kung kaya’t ang lahat ng pambobola …

Dragon Lady Amor Virata

Mga kandidato bawal sa graduation rites

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NAGING kalakaran na tuwing sasapit ang graduation day ng …

Dragon Lady Amor Virata

Totoo kaya ang sumbong?

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MASAMANG-MASAMA ang loob ni Parañaque mayoralty candidate Aileen Olivarez …

Sipat Mat Vicencio

Tagilid si Pia Cayetano

SIPATni Mat Vicencio KUNG hindi magiging maayos ang campaign strategy ni Senator Pia Cayetano, malamang …

Dragon Lady Amor Virata

Vloggers target ng NBI

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SA RAMI ng fake news na nakikita natin sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *