Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lassy Marquez, Kit Thompson

Kargada ni Kit Ikonompara ni Lassy sa footlong

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

INAASAR nina Lassy Marquez at Ariella Arida ang isa’t isa sa Zoom mediacon kamakailan para sa pelikula nilang Sarap Mong Patayin produced ng Viva Films at idinirehe ni Darryl Yap.

Ang topic kasi ay tungkol sa halikan nilang dalawa na aminadong pareho silang asiwa pero kailangan nilang gawin dahil kailangan sa kuwento at siyempre sinabi ni direk Darryl.

Sabi kasi ni Lassy ay hindi siya nag-toothbrush dahil iyon kaagad ang eksena nila at sabi ni Ariella ay nalansahan siya.

”Pinakamalansa sa lahat ng malansa, sa lahat ng isdang malansa!” sabi ng dating beauty queen.

Pero bago nangyari ay talagang sinipat-sipat ni Ariella ang kome­dyante, ” ang ginawa ko, tinitingnan ko na lang siya every day kapag mag­kasama kami sa set para talagang matang­gap ko na ito ‘yung hahalikan ko. Kung sabi ni Lassy, hindi siya nag-toothbrush (kissing scene nila), okay lang. Nahalikan naman niya ‘yung sipon ko. ‘Yun ang ganti ko.”

“Yuck” reaksiyon ni Lassy.

Humirit naman si Kit Thompson, ”bakit noong hinalikan kita wala namang sipon?”

Speaking of Kit, natanong si Lassy kung gaano kalaki ang kargada ng binata dahil si Marco Gallo na kasama ng huli sa Manananggal na Nahahati ang Puso ay ikinompara sa Hungarian sausage.

“Grabe! Okay, makikita mong parang footlong, ha, ha, haha. Huh ang laswa charot,” tumawang sabi ni Lassy.

Ang footlong hotdog ay may sukat na 12 inches at na-face to face ito ni Lassy.

Ipinaalam naman ni Lass ‘yang mga gagawin niya kay Kit at pumayag naman ito kaya sabi nga ng komedyante, sobra siyang suwerte.

Kaya abangan kung ano ang ginawa ni Lassy kay Kit dahil ang reaksiyon ng huli sa ginawa sa kanya ng komedyante, ”masarap, akala ko nga si Ariella, eh. Pagkita ko si Lassy pala.”

Mapapanood ang Sarap Mong Patayin sa Oktubre 15 sa Vivamax mula sa direksiyon ni Darryl at kasama rin sina Bob Jibeili, Tart Carlos, at Marion Aunor bukod kinaKit, Ariella atLassy sa cast.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …