Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rabiya Mateo

Rabiya sa pinakamasakit na natanggap na kritisismo: Ah, kabit iyan kaya nanalo

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Rabiya Mateo sa The Boobay and Tekla Show, tinanong siya kung ano ang pinakamasakit na comment o kritisismo na natanggap niya sa social media noong lumaban siya sa Miss Universe Philippines 2020.

Sagot ni Rabiya,“Sa sobrang dami, wala akong maisip, pero kasi part talaga iyon, eh.

“Alam niyo ho ba, noong nanalo ako ng Miss Universe Philippines… kasi, ‘di ba, dark horse ako noon? Wala akong kapanga-pangalan, galing sa probinsiya.

“Siguro ‘yung narinig kong isyu is, ‘Ah, kabit iyan kaya nanalo ‘yan.’

“That was nasty. Isa akong babae, kung saan lahat ng mayroon ako, pinaghihirapan ko.”

Sa natanggap na negative comment, ay sinabi niya ‘yun sa kanyang ina.

“’Yung first ko talagang ginawa is kinausap ko ‘yung mama ko.

“Kasi, for example, mayroon tayong nakikitang masasakit na comments, kung ako masasaktan, times ten iyon sa nanay ko.

“Siya talaga ang sinabihan ko na, ‘Ma, tatagan mo ‘yung loob mo, kasi ‘yung pinasok ko, public property na ako. Wala na tayong say kung anumang gagawing isyu ng mga tao. Ang importante is that alam naman natin na mabuti tayo kahit walang nakatingin sa atin.’” sabi pa ni Rabiya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …