Thursday , December 19 2024

Julian Ongpin, bakit may cocaine?

MARAMI tayong naririnig na ilang miyembro ng Buena familia ang gumagamit ng cocaine bilang ‘lifestyler.’

         Mayroon namang cases, nang ‘umangat’ ang buhay sa pagtutulak ng shabu, luminya na rin sa cocaine at ecstacy.

         Siguro naman alam na alam ng mga ‘intel’ ng drug enforcement agencies ang ganyang sistema.

         At ilan sa kanila ay ina-apply ang kasabihan ng ilang negosyante: “Don’t consume your products, sell them!”

         Kaya ‘yung tulak daw ng shabu, kung hindi ‘coke’ ang iniiskor, titira ng kush. Pero marami rin daw tulak ng cocaine ang kino-consume ang sariling produkto?

         Pasensiya na mga suki, bigla lang itong pumasok sa isip ko, kasi ilang araw na sa balita ang pagkamatay ng artist na si Bree Jonson, ang girlfriend ng anak ng bilyonaryong si Roberto “Bobby” Ongpin na si Julian Ongpin.

         Kung hindi tayo nagkakamali, si Mr. Bobby Ongpin ang nagmamay-ari ng sikat na Balesin Island sa gitna ng Lamon Bay sa Polilio, Quezon.

         Ang ikinagulat ng marami, bakit mayroong 12.6 gramo ng shabu sa kanilang kuwarto (batay sa ulat ng mga imbestogador ng pulisya)?

         Sabi nga ng mga imbestigador, “too much to consume” daw ang 12.6 grams ng cocaine. At ang isa pang nakapagtataka, ang nakuhang items ng mga imbestigador, taryado na. Nakalagay na sa maliliit na plastic.

         Saan galing ang cocaine?

         Hindi naman siguro ito konektado doon sa mga cocaine na naglutangan sa dagat?!

         ‘Wag naman sana. At sana nga ay hindi. Dadagdag pa ito sa kontrobersiyal na pagkamatay ng girlfriend at kapwa artist na si Bree ni Julian.

         Nakikidalamhati po tayo sa pamilya ni Bree. May she rest in peace with justice.     

Kailngan po natin ng pagkakaisa, sama-sama natin gamutin ang bansa. Let us heal our country.”

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

   

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *